GMA News heads, pinawalang-sala ng QC court sa kasong isinampa ng ABS-CBN

Pinawalang-sala ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 93 sina Grace Dela Peña-Reyes at John Oliver Manalastas, na noon ay News Operations Head at News Program Manager ng GMA Network, respectively, sa mga kasong paglabag sa copyright na inihain ng ABS-CBN.

Sa desisyon noong September 29, 2021 na isinulat ni Presiding Judge Arthur O. Malabaguio, pumanig ang korte kina Dela Peña-Reyes at Manalastas na binanggit na “the failure of the prosecution to prove their guilt beyond reasonable doub.”

Ang reklamo ay nag-ugat sa “alleged unauthorized and illegal use and broadcast of ABS-CBN’s footage of the arrival of Angelo dela Cruz at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA)” na nangyari noong 2004. Si Dela Cruz ay isang manggagawang Pilipino na kinidnap sa Iraq.

Sa kaniyang pag-uwi noong July 22, 2004, gumagawa noon ang GMA ng sarili nitong live coverage sa NAIA at isinama ang live na video feed mula Reuters at CNN para sa news bulletin nitong “Flash Report.”

Depensa nina Dela Peña-Reyes at Manalastas na ang paggamit ng GMA sa nasabing footage ay legal dahil ginawa ito sa ilalim ng valid na subscription agreement sa Reuters at CNN, na nagpapahintulot dito na maipalabas at muling i-broadcast ang mga video feed na ito.

Idinagdag nila na “there was no advisory or notice of embargo given to GMA Network, Inc.” at ang “absence of volition, voluntariness and knowledge on the part of the accused in the alleged act of infringement warrants their acquittal from the crime charged.”

Kasunod ng pagbabalik sa Korte Suprema ng kaso noong 2015, napagpasyahan ng QC RTC na ang re-broadcasting ng GMA ng footage ng Reuters ay nasa loob ng mga limitasyon ng “fair use.”

Gaya ng nakasaad sa desisyon, “the prosecution failed to convince this Court of the existence of copyright infringement to warrant relief in their favor” at ang “GMA Network, Inc. cannot be considered liable for copyright infringment under the Intellectual Property Code.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *