GMA News at PTV News, umalma sa kakulangan umano ng impormasyon sa Bagyong Odette

Muli na namang naglabas ng saloobin ang mga personalidad ng ABS-CBN dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette (international name: Typhoon Rai). Anila, malaking tulong daw sana kung mayroon pang ABS-CBN Regional Network Group para maghatid ng mga impormasyon tungkol sa bagyo.

Ilan sa mga naglabas ng kanilang sentimyento ay sina Karen Davila, Agot Isidro, at Bianca Gonzalez. Ramdam daw nila ang pagkawala ng ABS-CBN dahil tuwing may kalamidad daw ay tutok ang mga tao sa balita sa TV o radyo.

Dahil umano sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV, nabawasan ang mapagkukuhanan ng mapagkakatiwalaang balita.

Gayunpaman, tila namemenos naman ang sakripisyo at paghihirap ng ibang news outlet na naghahatid din ng balita.

Walang duda, malakas ang impluwensya ng mass media sa mga manonood. Dahil sa lawak ng naaabot nito, madaling kumalat ang mga impormasyon.

Malakas din ang kapangyarihan ng media sa pagpinta ng isang tao na ito ay mabuti o masama, kaya naman malaking responsibilidad para sa mga mamamahayag na maging patas at walang kinikilingan.

Dahil sa mga nagsasabi na malaking kawalan ang ABS-CBN sa malayang pamamahayag at pagpapakalat ng impormasyon, hindi napigilan ng ibang nagtatrabaho sa ibang news outlet na maglabas din ng kanilang saloobin.

Para kay Kat De Castro, hindi man daw kasing laki ng ibang network ang PTV, “come hell or high water” daw ay patuloy silang maghahatid ng “news that truly matter.”

Aniya, “Before, during and after Typhoon Odette hit the country, our PTV News teams were already assigned to various locations affected by the typhoon.”

“While PTV may not be as big as other networks (yet), come hell or high water, we will always deliver the news that truly matter,” dagdag niya.

“I’d like to give my most heartfelt gratitude to the men and women of PTV who give their all in delivering important information to the entire nation. It is a great honor to work with these hardworking journalists.”

Idinetalye naman ni Kate Robledo ng GMA News ang hirap nila sa paghahatid ng maayos at magandang reports.

Ani Robledo, “Sa trabaho namin, napakahalaga ng communication para makapaghatid ng maayos at magandang reports.

“Kaya ang hirap na wala kaming contact sa reporters namin. One way ang communication, sila ang tumatawag sa base via Sat phone para makapagbato ng update. Oras ang lumilipas nang hindi namin alam ano ang nangyayari sa kanila.

“Wala silang override, wala silang monitor, ni hindi nila alam kung umeere na. So itong 3-way slit na ito, at yung live reports nila, dugo’t pawis para mairaos nang glitch-free!

“And I’m just talking about my experience as a producer behind the camera. 10x or more pa ang hirap nilang reporters, cameramen, tech team sa field para maiparating at maipakita sa atin ano ang totoong sitwasyon/itsura sa mga lugar na literal na pinadapa na ng bagyo, ang hirap ng mga nawalan ng bahay, ang sakit ng mga namatayan at ang pagbangon muli mula sa kalamidad.”

Hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga bumubuo sa isang news team, kaya sana ay hindi na ginagamit ang “kakulangan ng media” bilang “alas” para sa pagkuha ng simpatya ng mamamayan para sa pansariling interes.

Nawa’y tigilan na rin ang “blaming game” at insultuhin ang ibang news outlet dahil anu’t ano pa man ay patuloy pa rin namang nakakapaghatid ng balita ang ABS-CBN News sa social media, online at sa cable television.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *