GMA News and Public Affairs at ABS-CBN Entertainment, kabilang sa Worldwide leaders sa Digital Video

Patuloy ang pangununa ng GMA News and Public Affairs sa mga news organizations sa bansa sa viewership sa mga pangunahing online video platforms.

Ayon sa datos mula sa Tubular Labs, panlima ang GMA News worldwide sa mga video publisher sa News and Politics category noong Hulyo.

Ang GMA Public Affairs naman ay pang-labinwalo sa listahan, na nangunguna rin sa iba pang Philippine organization sa listahan.

Ang mga digital platform ng GMA News ay nagtatampok ng up-to-the-minute breaking news sa mga pinakabagong pangyayari sa Pilipinas.

Ang express version ng 24 Oras, ang flagship newscast ng network, ay available din bilang video-on-demand (VOD) sa GMA News Online at GMA News YouTube channel para sa mga Filipino viewers sa iba’t ibang panig ng mundo.

“In these uncertain times, GMA Network is committed to delivering Serbisyong Totoo to Filipino viewers in the country and around the world,” pahayag ni Marissa L. Flores, GMA Network senior vice president for News and Public Affairs.

Samantala, patuloy pa ring nangingibabaw ang storytelling powerhouse ng GMA Public Affairs sa mga digital platform, sa pangunguna ng flagship news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dahil sa mahigit 25 million followers, ang KMJS na ang most-followed television program sa Pilipinas.

Samantala, kung ika-5 ang GMA News pagdating sa News & Politics category, ika-8 naman ang ABS-CBN Entertainment sa Entertainment category.

Ika-19 naman ang ABS-CBN News sa Global leaderboard sa News & Politics category, na sinundan ng Raffy Tulfo in Action.

Nangunguna naman ang ABS-CBN Entertainment sa parehong kategorya dito sa Pilipinas at pangalawa lang ang GMA Network.

Pangatlo naman ang ABS-CBN News sa News & Politics category sa Philippines leaderboard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *