GMA Network, umaasang magkaayos sina Carla Abellana at Tom Rodriguez

Ikinalungkot ng pamunuan ng GMA Network ang hindi magandang pagtatapos ng kuwento ng pag-ibig ng kanilang prime talents na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ngayong araw, June 17, 2022, naglabas ng opisyal na pahayag ang istasyon sa hindi magandang takbo ng hiwalayan nina Carla at Tom.

Dasal ng Kapuso management na maayos sa malumanay na paraan kung anuman ang namagitang sigalot sa mag-asawa.

Hinikayat din nila ang publiko na iwasang magpakalat ng maling espekulasyon tungkol sa dalawa.

Narito ang buong pahayag ng GMA Network:

We are saddened by the recent turn of events involving GMA artists Carla Abellana and Tom Rodriguez.
It is our prayer that they will be able to resolve their issues at the soonest possible time and in the most amicable manner.
We also request their fans, supporters, and the public to refrain from spreading various speculations about them.
Thank you.

– GMA Network

THE BREAKUP

Ilang buwan nang laman ng mga balita sina Carla at Tom dahil sa biglaang hiwalayan nila noong January 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ayon ito sa ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Nitong nakaraang June 16, ginulat ni Carla ang maraming netizens sa kanyang mga pasabog laban sa estranged husband.

Sa isang mahabang komento nito sa isang YouTube vlog niya, inilabas ni Carla ang kinikimkim na galit laban kay Tom sa loob ng pitong taong pagsasama nila bilang magkasintahan hanggang sa sila ay magpakasal.

“No comment” naman ang simpleng tugon ng kampo ni Tom sa mga ibinunyag ng nakahiwalayang asawa.

Hindi na makikita ang pahayag ni Carla ngayong araw, June 17, dahil naka-turn off na ang comments section ng vlogs ng aktres.

Wala pang latest na pahayag si Tom na mukhang hindi na aktibo sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *