GMA Network, sumipa sa P16.5-B ang ad revenues!

Lalong tumibay ang pangingibabaw ng GMA Network, na pinangungunahan ng mga bilyonaryong sina Felipe Gozon, Gilberto Duavit Jr., at Joel Jimenez, sa media war habang tumataas naman ang kita sa advertising sa lahat ng platform nito.

Ayon sa GMA, sumipa sa “unprecedented heights” na P16.5 billion o 31 percent year-on-year ang paglago ng kita sa unang siyam na buwan ngayong taon.

Sa parehong panahon, kumita ang GMA sa advertising ng P15.475 billion (93 percent ng revenues) sa lahat ng channel.

Sumipa ng 54 percent ang year-on-year profit o P6 billion mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Sa pag-emerge ng GMA bilang pangunahing source ng free-to-air broadcasting sa loob ng bansa mula noong nawalan ng prangkisa ang karibal na ABS-CBN Corporation noong May 2020, dumami ang average rate per minute at total minutes load ng Channel 7 dahil sa paglipat ng advertisers mula sa karibal na istasyon at dahil na rin sa pagsisimula ng political commercials para sa 2022 elections.

Ang radio stations naman nito ay nakapagtala ng 25 percent hike sa ads kung saan ang kalahati ng total sales ay mula sa Cebu at iba pang provincial stations.

Halos doble naman ang itinaas na kita ng newly launched GMA Regional TV (GMA RTV) sa unang siyam na buwan kung saan halos triple-digit naman ang itinaas sa Mindanao-based stations.

Nakatulong din sa pagtaas ng kita ang pag-rebrand ng GMA News TV bilang Good TV (GTV) at ang pakikipag-partnership sa National College Athletic Association (NCAA).

Sumipa rin ng 51 percent ang ad sales mula sa digital expansion ng GMA. “With the changing landscape in consumer/viewer preferences and habits as well as the trends in technology, this platform becomes vital in establishing the presence of the Company as an equally dominant player in this field,” ayon sa GMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *