GMA-7 rules TV Ratings in 2019

Dahil sa malaki ang hatak ng mga Daytime programs ng GMA-7, nananatiling viewers’ choice ang GMA Network sa Urban Luzon at Mega Manila sa buong 2019.

Ayon sa January to December Nielsen TV Audience Measurement data (kasama ang mga datos mula December 22 hanggang 31), nakakuha ang GMA ng 35.5% total day people share at nalamangan nito ang 30.4% ng ABS-CBN sa Urban Luzon. Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 72% ng lahat ng urban viewers sa buong bansa.

Urban Luzon

Sa morning slot pa lang ay nakakuha na ang GMA ng 28.1%, mas malaki kumpara sa 25.8% ng ABS-CBN.

Tuluy-tuloy ito hanggang sa tanghali kung saan nakakuha ang GMA ng 36.7% laban sa 30.9% ng ABS-CBN.

Maging sa gabi ay panalo pa rin ang GMA kung saan malaki ang lamang nito kumpara sa kabilang istasyon. Nakakuha ang GMA ng 37.7%, samantalang 31.9% lamang ang nakuha ng ABS-CBN.

Mega Manila

Sa Mega Manila, na kumakatawan sa 60% ng urban viewers sa buong bansa, mas malaki ang lamang ng Kapuso Network kumpara sa ABS-CBN.

35.6% total day people audience share ang nakuha ng GMA-7 kumpara sa 28%, ayon sa official data mula January hanggang December 21.

GMA Network sustains TV ratings lead in December

Noong Disyembre, nakakuha ang GMA ng 33.7% total day people audience share sa Urban Luzon. Mas malaki kumpara sa 28% ng ABS-CBN.

Mas lumaki naman ang agwat sa Mega Manila kung saan nakakuha ang GMA ng 34.2% kumpara sa 26.4% ng ABS-CBN (mula December 1 hanggang 21).

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang pinaka-pinanood na programa noong 2019 ayon sa National Urban Television Audience Measurement o NUTAM. Ang award-winning magazine program na hino-host ni Jessica Soho ay nanguna rin sa listahan ng Overall Top Programs of 2019 sa Urban Luzon.

Ang iba pang nakasamang programa sa 2019 Top-Rating list ay ang mga sumusunod:

Samantala, inilunsad na rin ng Kapuso Network ang kanilang 70th anniversary powerhouse line-up na dapat abangan sa unang quarter pa lang ng taon.

Una na sa listahan ang TV adaptation ng 1984 hit movie na Anak ni Waray vs Anak ni Biday na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez. Makakasama rin ng dalawa sina Ms. Snooky Serna at Ms. Dina Bonnevie.

Sunod naman sa listahan ang Love of My Life na pangungunahan ng mga prized talents ng Kapuso Network na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez. Makakasama nila sina Ms. Coney Reyes at Tom Rodriguez.

Ipalalabas na rin ang pinakahihintay na local adaptation ng sikat na Korean series na Descendants of the Sun. Bida rito ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. Makakasama rin nila ang mga talented Kapuso artists na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

Magbabalik telebisyon din si Sen. Bong Revilla, Jr. sa pamamagitan ng drama-fantasy program na Agimat ng Agila.

Nakatakda ring magbalik sa primetime ang Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes. Makakatambal nya ang aktor na si Gabby Concepcion sa First Yaya.

Mayroong 32 clients/subscribers ang Nielsen TAM na kinabibilangan ng 6 local TV networks, 3 regional clients, 2 blocktimers, at 21 ahensya (17 media agencies, 3 consulting, at 1 digital agency).

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *