GMA Network, nangunguna sa TV, radio, online platforms

Pagdating sa paghahatid ng superior news and entertainment para sa mga Pilipino dito at sa ibang bansa, ang pinakamalaking broadcast station sa bansa na GMA Network ay nananatiling matatag sa pagiging “Buong Puso Para sa Pilipino” habang patuloy ang dominasyon nito sa lahat ng platform.

Sa Telebisyon

Naaabot na ng GMA ang 97 percent ng kabuuang TV households sa buong bansa o katumbas ng 82 miilion viewers nationwide ayon sa January to September 2021 data mula sa Nielsen Philippines.

Lalo pang lumakas ang audience reach ng GMA-7 dahil sa ikalawa nitong free-to-air channel na GTV, pati na rin ang Kapuso digital channels na Heart of Asia, HallyPop, at I Heart Movies na maaaring ma-access gamit ang built-in digital digital receivers o gamit ang GMA Affordabox (for TV) / GMA Now (for smartphones).

Sa bawat pangunahing lugar, ang net reach ng TV households ng GMA sa Total Luzon ay 96.1 percent with about 54 million viewers; Total Visayas na may 98.2 percent o 16 million viewers; at Total Mindanao na may 96.9 percent o 12 million Filipino viewers.

Naaabot ng GMA ang 97 percent TV households (36.4 million people) sa Rural Philippines, samantalang 96.3 percent (45.4 million people) naman ang naaabot sa Urban Philippines.

Ayon pa sa datos mula sa MCTAM (Metro Cities TV Audience Measurement) na 99.5 percent (351K viewers) ng TV household sa Metro Dagupan ay GMA lang ang pinapanood.

Halos lahat din ng bawat kabahayan sa Metro Cebu at Metro Davao ay GMA din ang pinapanood. Sa Metro Cebu, 97.9 percent (2.3 million viewers) ang tumutok sa GMA, samantalang 99.4 percent (2.1 million viewers) naman ang nanonood ng GMA sa Metro Davao.

Ang mga lugar na ito ay naaabot sa pamamagitan ng GMA Regional TV channels na may kaniya-kaniya ring local newscasts.

Sa ibayong dagat naman, maaaring mapanood ng viewers ang GMA sa pamamagitan ng international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV. Available rin ang mga programa ng GMA sa GMA On Demand.

Sa Radyo

Patuloy rin sa paghahatid ng mga impormasyon at entertainment ang GMA Radio stations sa Mega Manila, Cebu, Davao, Bacolod, Baguio, Cagayan de Oro, Dagupan, General Santos, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Lucena, Naga, Palawan, Tuguegarao, at Zamboanga.

Mula pa noong July 2020, nananatiling unbeatable ang flagship stations ng GMA Network bilang number one AM and FM stations sa Mega Manila.

Ayon mula sa pinakahuling Nielsen Radio Audience Measurement (RAM) data, nakapagtala ang Radyo DZBB 594 ng 38.6 percent audience share noong September 2021. Wagi ito laban sa closest competitor nito, DZRH, na nakapagtala naman ng 32.5 percent.

Kung susumahin, nakaabot ang DZBB sa mahigit 2.09 million listeners, at 87 percent ng mga ito ang nanatiling nakatutok sa istasyon sa buong buwan.

Ang morning block nito ang nananatiling most-listened radio programs. Kabilang sa 6am-9am segment ang top-rating programs na Super Balita sa Umaga, Saksi sa Dobol B, Melo del Prado sa Super Radyo, at Executive Summary.

Samantala, na-dominate din ng FM radio station ng GMA na Barangay LS 97.1 Forever! ang Mega Manila with an audience share of 30.4 sa parehong buwan. Malayo ang agwat nito sa closest competitor na DZMB na naka-16.4 percent.

Sa Online Platforms

Isinasapuso din ng GMA ang paghahatid ng personalized content para sa iba’t ibang audience profile na gumagamit ng internet.

Umaayon naman sa pamamayagpag ng GMA Network sa telebisyon at radyo ang online presence nito sa pamamagitan ng www.GMANetwork.com, ang opisyal na website ng network kung saan makikita ng netizens ang lahat ng pinakabagong update sa mga palabas at artista ng Network.

Sa website din ng GMA Network makikita ang GMA News Online para naman sa mga round-the-clock na balita mula sa Pilipinas at sa buong mundo.

Ang GMA Network din ang kauna-unahan at tanging TV network sa Pilipinas na may tatlong YouTube diamond creator awards para sa tatlong channels nito na lumampas na sa 10 million subscribers.

Ang Facebook page naman ng GMA Network ay may 25 million followers, 1.9 million followers naman sa Instagram, at 1.5 million sa Twitter.

Dagdag pa rito, may mahigit 100 million followers na ang GMA News and Public Affairs sa lahat ng social media accounts nito. Kabilang dito ang Kapuso Mo, Jessica Soho na most followed Philippine television show on Facebook with 26 million followers.

Kinilala rin kamakailan ang award-winning News and Public Affairs team bilang top news content creator sa TikTok Philippines.

Ayon naman sa DNR ng Reuters Institute, ang GMA News Online ang pinakamalaki ang audience reach among media outlets sa Pilipinas. Nakapagtala ito ng 53 percent weekly usage, mas mataas ng sampung puntos laban sa ABS-CBN News Online na may 43 percent.

Habang namamayagpag sa lahat ng platforms, patuloy pa rin na napupukaw ng GMA Network ang puso ng Filipino audience sa TV, radyo, at online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *