GMA Network, naglabas na ng pahayag tungkol kay Mike Enriquez

Marami ang nagulat at nagtatanong sa biglang pagkawala sa radyo at telebisyon ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.

Matagal-tagal nang hindi napapanood si Enriquez sa flagship news program ng GMA-7 na 24 Oras na medyo ikinabahala na ng mga sumusubaybay sa kaniya.

Si Enriquez ang co-anchor nina Mel Tiangco at Vicky Morales sa 17-year old news program ng Kapuso Network. Itinuturing rin si Enriquez na haligi ng GMA News and Public Affairs. Siya rin ang presidente ng RGMA Network Inc., ang radio network ng GMA Network.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang network upang tuldukan ang mga haka-haka dahil sa kaniyang biglaang pagkawala sa kaniyang mga palabas sa radyo at TV.

Pahayag ng GMA Network, “GMA Network is one with our Kapuso Mike Enriquez in facing this challenge. We fully support him and are praying for his successful surgery and quick recovery.

“Together with our viewers all over the world, his friends and colleagues here in GMA look forward to welcoming back a healthier and stronger Mike Enriquez soon.”

Naglabas din ng pahayag si Enriquez upang linawin ang kaniyang kondisyon at pasalamatan ang mga taong sumusumporta sa kaniya at nagdarasal para sa kaniyang kalusugan, “I am issuing this statement in response to a growing number of inquiries regarding my prolonged absence from the radio and television programs that I host on GMA.

“I am currently on medical leave. I am being treated for kidney disease and I am scheduled to undergo a heart bypass operation in mid-September.

“My doctors have told me that two to four weeks after my surgery, I will be able to return to my normal duties. In the meantime, it is best that I rest and avoid stress to avoid any medical emergency before my bypass.

“While I am not yet back on the air, I continue to perform my functions as president of RGMA Network, Inc. and as Consultant for Radio of GMA Network, Inc.

“I thank everyone for their expressions of support and wishes for good health, and most specially for the prayers. My doctors are good and caring and God is great!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *