GMA Network, 98.5% TV households na ang naaabot!

Sa kabila ng mga hamong ating pinagdaanan na dulot ng pandemya at iba’t ibang kalamidad, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng GMA Network ng Serbisyong Totoo sa bayan. Pangunahing pinagkukuhanan pa rin ng balita at libreng entertainment ang network.

Ayon sa datos mula sa TV Audience Measurement (Total Philippines) ng Niielsen Philippines para sa kabuuan ng 2020 (Mula January 1 hanggang December 26), naabot ng Kapuso Network ang 98.5% TV households o humigit kumulang 84.1 million viewers nationwide.

GMA-7 din ang most watched sa Total Philippines dahil nakapagtala ito ng 48.3% people audience share.

Parehong 98.6% rin ang naabot ng GMA sa Total Luzon at Total Visayas. Nakapagtala ng 49.8% people audience share sa Total Luzon, habang 47.7% naman sa Total Visayas.

97.9% TV households naman ang naabot ng GMA sa Total Mindanao. Nakapagtala naman ang GMA ng 42.2% people audience share.

Maganda ang simula para sa GMA simula pa lang ng 2020. Mula January hanggang May 5, naungusan na ng GMA ang ABS-CBN pagdating sa audience reach at viewership bago pa man mag-shutdown ang ABS-CBN noong May 2020.

ALSO READ: GMA Network Leads TV Ratings in March 2020

Pagdating sa total broadcast hours, naglaan ng 18 hours ang GMA at GMA News TV araw-araw, mula January hanggang December 2020, para sa iba’t ibang news and public affairs programs.

Naglaan ng halos 25% airtime ang GMA para sa news and public affairs show, katumbas ng 4.5 oras kada araw. Samantala, 75% airtime naman ang nakalaan sa GMA News TV o 13.5 oras kada araw.

Marami man tayong pinagdaanan noong 2020, patuloy pa rin sa paghahatid ng pag-asa ang GMA Network sa pamamagitan ng mga dekalidad na programa.

Maaari na ring makapanood ng TV kahit nasaan ka pa gamit ang iyong phone sa pamamagitan ng digital TV receiver na GMA Now.

Sa kabila naman ng pandemya, halos 1 million units na ng GMA Affordabox ang nabenta sa loob lang ng anim na buwan.

Asahan namang sa pag-usad ng 2021, mas marami pang kapanapanabik na programa ang ihahatid ng GMA para sa mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *