GMA Heart of Asia, patuloy ang pangunguna sa ratings!

Marami mang pagpipiliang Asianovelas ngayon sa free TV, mas pinipili pa rin ng viewers ang mga Asianovela na ipinapalabas sa GMA-7.

Ayon sa datos ng Nielsen Philippines, nasakop ng GMA’s The Heart of Asia ang lahat ng spot sa Top 10 para sa Most Viewed Asianovela for 2021 (Peak Rating in a single episode).

Nananatiling undefeated ang Fates and Furies na nakapagtala ng 8% peak rating kahit sa pang-umagang timeslot ito inilagay.

Nasa ikalawang pwesto naman ang katatapos lang na K-Drama na Lie After Lie na naka-7.7, na sinundan naman ng romantic comedy Lakorn (Thai) series na The Blooming Treasure na naka-7.5%.

Samantala, hawak naman ng ikalawang season ng The Penthouse ang ika-apat na spot sa Top 10. Sa kasalukuyan, nakapagtala na ito ng 7.3% peak rating at inaasahang mas tataas pa dahil patindi na nang patindi ang mga eksena sa K-Drama na sinusubaybayan gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Top 5 naman ang phenomenal sci-fi Lakorn na The Gifted na naka-7.2%.

Kasama rin sa Top 10 Most Viewed Asianovelas ang The Romantic Doctor 2 na naka-7.1%, The Sand Princess na naka-6.7%, Game of Affection na naka-6%, ang unang season ng The Penthouse at ang VIP na naka-5.9%.

TitleRating (%)
1Fates and Furies (GMA)8.0
2Lie After Lie (GMA)7.7
3The Blooming Treasure (GMA)7.5
4The Penthouse Season 2 (GMA)7.3
5The Gifted (GMA)7.2
6The Romantic Doctor 2 (GMA)7.1
7The Sand Princess (GMA)6.7
8Game of Affection (GMA)6.0
9-10The Penthouse5.9
VIP5.9

One thought on “GMA Heart of Asia, patuloy ang pangunguna sa ratings!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *