GMA Head Writer dinepensahan ang Local Movies at TV Shows

Mainit na usapin ngayon sa social media ang naging komento ni Direk Erik Matti tungkol sa mga K-Drama series.

Sinabi ng direktor na ang mga Koreanovela ang papatay sa industriya ng pelikula at mga programa sa telebisyon dito sa bansa.

ALSO READ: Erik Matti Says That Local Movies and TV Shows are Doomed Because of K-Drama

Hindi nagustuhan ng libu-libong netizens ang naging pahayag ng direktor at inihambing pa ang mga Koreanovela sa mga teleserye at pelikulang Pilipino.

Maging ang lead concept artist ng GMA Network na si Noel Layon Flores ay naglabas rin ng kanyang saloobin kontra sa sinabi ni Direk Erik Matti.

ALSO READ: Encantadia Lead Concept Artist nagkomento sa post ni Erik Matti

Kung may mga nambash, may mga kumampi rin sa direktor at isa na rito ang head writer at creative consultant ng GMA-7 na si Suzette Doctolero.

Ayon sa manunulat, “Si Erik Matti ay matino din talagang direktor at mahusay sa biswal pero madalas ay wala ring nanonood sa movies niya lalo na nitong gumawa na siya ng mga movie na makatotohanan.”

Dagdag pa ni Suzette, maraming beses na rin umanong nagtangka ang ABS-CBN at GMA Network na itaas ang level ng mga teleserye pero hindi ito tinangkilik ng mga manonood.

Sinabi rin ng manunulat na matagal na itong problema ng mga producer na hindi tinatangkilik ng mga Pinoy ang mga dekalidad na pelikula at teleseryeng Pinoy.

“Maraming beses na rin ang soap opera (mula sa GMA at ABS) na nagtangka na itaas ang level ng content pero mga nag rate ba? Pinanood ba??

“Hindi lang ngayon ito problema. Maski noong panahon nina Ishmael at Brocka ay wala namang nanonood sa mga matitinong mga pelikula nila. Para mabuhay, gumagawa sila tuloy ng mga movies na “bakya” o pang masa, para tumabo sa takilya. Hindi rin namang kumita sa takilya ang marami pang matitinong movies noon na ngayon ay considered the best na sa Philippine cinema.

Sa kanyang kasunod na post, ibinida naman ni Suzette ang ginawa n’yang “My Husband’s Lover” na naging maingay sa social media noong una itong ipinalabas.

Madalas itong nagtetrending noon sa Twitter pero hindi rin ito gaanong nag-rate.

“Noong ipinalabas po ito [My Husband’s Lover], wala po kaming commercial load. Maski isa. Hindi rin siya nag rate. Talo. Maingay lang siya sa social media. Pinag usapan. Pero olats. Mabuti na lang at pinanindigan ng GMA7 na ituloy pa rin itong show

“Dahil pinag usapan at naging trending kaya doon po pumasok ang mga commercials (salamat!) pero hindi ang ratings. Talo pa rin po. Pero maingay talaga. Lalo sa social media. Di ko tuloy alam kung paanong maingay pero ‘di nagre rate? Kaloka. (Dahil pinanood kami ng mga sosyal kaya watch sila online, hindi sa tv).

“Though considered sucess naman ang MHL kasi nga sa ingay. Pero sa numbers? Nope,” pagdedetalye ni Suzette.

Dahil sa kasikatan ng My Husband’s Lover, na-nominate din ito noon sa International Emmy’s.

“Pang international ba ito? Ang saya di ba! So go kami ni Helen Rose S. Sese, yung Production Manager at ni direk Dominic Zapata sa New York many years ago kasi nominated ang gawa namin e! Proud kami! Feeling namin, mananalo tayo. Eto na, lumipad kami sa NYC!

“Lintik. Pagdating namin sa New York, nanliit kami nung ipinalabas na ang mga trailers ng mga kalaban namin lahok. May isang eksena doon sa Brazilian series: yung bida, nakasakay sa kabayo. Pag top shot: ang grand! Libo libong kabayo ang nakasunod sa kanya! At hindi siya effects!

“Wala akong ganung eksena sa MHL.

“Tae ang budget namin compared sa kanila.

“Isang eksena lang yun ha at walang kwenta: establishing shot lang. ‘nyeta. Lahat ng kalaban namin ay ganun. 15-20 times ang budget kaysa sa amin!

“Malaking factor ang quality ng production sa puntos, 30 percent lang yata ang content? Puro exterior shots ang ipinakita sa mga trailers nila: puro malalaki. Puro glossy na ewan anong klaseng camera ang mga gamit kasi parang totoo tao na yung napapanood sa screen.

Kahit na naglalakihang produksyon ang nakalaban ng My Husband’s Lover sa Emmy’s, marami rin ang nagkainteres ngunit umatras nang malaman ang budget ng pagbuo nito.

“Ang daming nagka interes doon na bilhin ang rights ng MHL. Ang unang tanong, magkano ang budget ng show? Nung nalaman nila na maliit, uuurong na, alam kasi nila na dahil low cost at wala sa standard ng international budget (lol) kaya nga bahay bahay lang ang location namin, di ba? (Though, may mga bumili pa rin kaya naipalabas pa rin ito sa ibang mga bansa)

Doon na-realize ni Suzette na huling-huli na ang Pilipinas pagdating sa paggawa ng pelikula at teleserye. Sinabi rin ng manunulat na nakasalalay sa gobyerno ang ikaaangat ng mga teleserye at pelikulang Pilipino.

“Nung andoon kami, doon ko nareliazed, na huling huli na ang Pilipinas. Na para maglevel up, need ng sobrang laki ng budget para magkaroon ng chance na mapenetrate ang world market.

“Pero hindi ito kaya ng mga producers at network. Mamumulubi. Babagsak ang mga megosyo. Lalo at sobrang liit ng market natin. Masa lang ang nanonood!

“Kasi snob sa gawang pinoy ang mga maiingay na gusto ng high quality para bigyan ng depensa ang preference nila na manood ng imported kesa local. Pero pag binigyan mo, di naman panonoorin.

“Para maachieve ang high quality at world domination gaya ng mga Korean K dramas ay Need ng support ng gobyerno (kagaya sa Korea), need rin alisin ang napakalaking tax. At ang sobrang laki ng cost ng mga locations. Saka ang censorship. Need sipain (charot!)

“Maraming reasons kung bakit mababa ang level ng mga movies at palabas natin. At hindi iyon dahil mga tanga at bobo kaming mga gumagawa ng movies at soap. Tse!

Suzette Doctolero on Korean Dramas

Ipinaliwanag naman ni Suzette sa kanyang ikatlong post na hindi dapat ikinukumpara ang mga Korean Drama sa Pinoy movies at TV shows dahil prayoridad ng kanilang gobyerno na itampok sa buong mundo ang kanilang kultura sa pamamagitan ng mga drama series at movies.

“Nagpunta ako sa Korea noon para umattend sa isang Asian Drama Summit. Kasama ko si Redgynn Alba, na isa sa mga Production Managers ng GMA.

“Nakita namin doon na sinadya talaga ng Korea ang world domination pagdating sa kdramas. Inachieve talaga nla yun. Dahil gusto ng gobyerno na itampok sa buong mundo ang kultura, history, pagkain, fashion nila thru Kdramas at Kpop. Gobyerno ng South Korea ang mismong nagbigay ng ganyang misyon. korean invasion. Dahil may foresight sila: na maibebenta iyon sa buong mundo at hindi sila nagkamali. Multi billion industry na nila ito oy. Yan lang ay buhay na ang ekonomiya ng South Korea.

“Dahil involved ang gobyerno kaya tax free ang kdramas, libre rin ang lahat ng locations. May ginawa pang isla ang Korea (Nami Island) para lang maging Ekslusibong taping location ng mga Kdramas. Ganda doon! Picture perfect! Maganda sa mata ang biswal. May pang spring, summer, autumn at winter look. Nakakainggit!!!!! Hayuf sila. Kumpleto. Gumawa talaga ng taping island di ba??

“At dahil pang world market ang puntirya kaya nagpundar sila nang mamahaling mga camera at kagamitan, ng mga malakaki at state of the art studios, pinag aral din nila ang mga artist nila ng film making, magaganda at malakaki ang mga film school doon, pinondohan din para lumaki ang mga budget. Dahil ito sa gobyerno!

“Aba ay sinabihan pa kami. Kung gusto daw namin mag shoot sa Korea ay pwedeng libre ang location. Basta susulat lang sa Ministry of Culture eklavu nila. Nyeta. May ministry talaga sila na ang trabaho ay maniguro na mamamayagpag ang kdrmas.

“Tapos dahil fan ka na ng Kdramas kaya unang lakbay mo sa international ay sa korea mo gusto magpunta, di ba? Pagdating sa South korea, benta ang mga day tours sa mga kdrama locations and houses na ginamit sa mga pumatok na drama. Oo, naging museum na yung ibang mga bahay na ginamit. Susme. Talagang laking ganansya nila sa korean invasion.

“E dito? Nganga. Walang pake ang gobyerno. Busy sila sa ibang mga bagay. Tila wala rin naman yatang ginagawang mga batas para sa industriya ang mga artista na mga pulitiko na now?

“Tapos kasalanan naming mga taga industriya? Na ang market lang namin ay ang super loyal na masa? Kaya syrempre, thru ratings, nakikita kung ano ang gusto nilang panoorin?

“So dahil nainggit kami sa Korea kaya gabi gabi ay nag iinuman kami ni Redgyn knowing na kawawa ang entertainment industry ng ‘Pinas. Haha char,” pagtatapos ni Suzette.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *