GMA Afternoon Prime, umaariba na uli sa ratings!

Maraming Kapuso fans ang humihirit na sana raw ay ma-extend pa ang mini-series na Loving Miss Bridgette na under ng umbrella series na Stories from the Heart.

Gustuhin man ng network, canned na ang series at naka-ready na rin ang papalit dito, ang ikalawang installment ng Stories from the Heart na Never Say Goodbye na pagbibidahan nina Jak Roberto, Klea Pineda, at nagbabalik-teleserye na si Lauren Young.

Kaya naman last 2 weeks na lang talaga ang mini-series na pinagbibidahan ni Kelvin Miranda at bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez

Samantala, last 3 weeks naman ang Nagbabagang Luha ni Glaiza de Castro na papalitan naman ng Las Hermanas nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva. Tampok din dito ang nagbabalik-Kapuso na sina Albert Martinez at Jennica Garcia.

Ayon sa pinakahuling NUTAM People Ratings data ng Nielsen Philippines, top-rating pa rin sa hapon ang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette na nakapagtala ng 7.7% nitong Martes, October 5. Top 5 ito sa Overall Top Programs, kasunod lang ng Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Top 6 naman ang rerun ng The Good Daughter na pinagbibidahan ni Kylie Padilla, na naka-7.5%. Hindi rin pahuhuli ang TV adaptation ng movie classic na Nagbabagang Luha na naka-7.4%.

Patunay lang ito na hindi bumibitiw sa panonood ang maraming viewers mula hapon hanggang gabi!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *