GMA-7, humihiling ng mga dasal para kay Mike Enriquez

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng GMA Network na naka-medical leave ang batikang news anchor na si Mike Enriquez. Si Mike ay siya ring kasalukuyang presidente ng RGMA Network, Inc.

Ayon sa pahayag ng nasabing Network, sasailalim ang respetadong mamamahayag sa isang medical procedure na nangangailangan ng mahaba-habang confinement. Aabutin ito ng mahigit tatlong buwan, depende pa sa magiging payo ng nakatalagang doktor na titingin at mangangalaga sa kalusugan ng nasabing news anchor. Inaasahan na magiging maayos ang kalagayan ni Mike bago pa ang pinaka-aabangan na eleksyon, sa susunod na taong 2022.

Nagpahayag ng masidhing pagsuporta kay Mike Enriquez si Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO ng pinakamalaking TV station ngayon sa buong bansa, ang GMA Network.

Ayon pa rito:

“We support Mike’s decision to undergo the procedure that he needs. We ask for everyone’s prayers and we wish him Godspeed. We look forward to welcoming Mike back as soon as he is cleared to return to work.”

Nang maka panayam naman si Mike, sinabi nito na labis na syang nananabik gumaling para makabalik sa trabaho. Lalo na ang makasali sa pagbabalita ng nalalapit na Eleksyon kung saan tumatakbo ang ilan sa pinaka kontrobersyal na tao sa ating bansa.

One thought on “GMA-7, humihiling ng mga dasal para kay Mike Enriquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *