Sino kaya ang gaganap na Lucas sa ‘Descendants of the Sun’?

Simula pa lang ng taon ay may pasabog na kaagad ang GMA Network. Nakatakda na kasi nilang gawin ngayong 2019 ang matagal nang hinihintay ng mga Kapuso fans, ang Descendants of the Sun.

May kanya-kanyang bet na rin ang mga netizens para sa role na Lucas na ginampanan ng Korean actor na si Song Joong-Ki.

Ang Descendants of the Sun din ang naging tulay para magka-ibigan ang lead stars nito na sina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo. Ikinasal ang dalawa noong October 31, 2017.

Ngayong nasa GMA na ang rights para sa local adaptation, isa pa ring palaisipan kung sino ang mga gaganap sa role na Lucas at Maxine. Narito ang ilan sa mga bet ng netizens:

Alden Richards

Na-interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang Senior Vice President for Entertainment ng GMA na si Lilybeth Rasonable sa Christmas party for the Press noong 2017.

Sabi ni Lilybeth, “We have to prepare for it. It’s very grand.

“Mukhang simple lang yung story pero the settings, how they are situated, medyo kailangang paghandaan, pag isipan, pati casting.

“I’m not saying that hindi pwede kay Alden kasi sa totoo lang, bagay na bagay din siya. Kung siya, I’ll be very happy. But now, wala pang cast.”

Derek Ramsay

Nakatakdang pumirma ng kontrata sa GMA Network ang Kapamilya Actor na si Derek Ramsay.

Courtesy of Star Cinema

Halos lahat ng mga programang inanunsyo ng GMA noong pagsalubong ng bagong taon ay may napili na ring cast. Kaya malaki ang chance na ibigay ang role kay Derek sakaling matuloy ang paglipat nito sa Kapuso Network.

Dennis Trillo

Isa si Dennis Trillo sa itinuturing na Hari ng GMA Primetime. Wala pang inaanunsyo na next project si Dennis pagkatapos ng Cain at Abel.

Conclusion

Bagay sa tatlo ang role na Lucas. Pare-pareho silang magagaling umarte, mapa-drama man o aksyon.

Mukhang malabong mapunta ang role kay Alden dahil hindi masyadong nag-rate ang Destined to be Yours at Victor Magtanggol.

Hindi rin naungusan ng Mulawin Vs Ravena ni Dennis Trillo ang Ang Probinsyano pagdating sa ratings at bali-balitang hindi rin ie-extend ang Cain at Abel. Pero matatapos na rin ang Probinsyano kaya may pag-asang sya ang mapili para sa role.

Ang may pinakamalaking chance na maging Lucas ay si Derek Ramsay kung matutuloy ang paglipat nya. Kung magkataon, big project kaagad ang haharapin ni Derek. Bakit naman hindi? Deserve nya yun dahil ilang beses rin syang nanalong Best Actor sa MMFF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *