Gabby Concepcion, ayaw makigulo sa isyu ng ABS-CBN

Marami ang nakapuna sa pananahimik umano ni Gabby Concepcion sa kaguluhan ngayon sa showbiz. Hindi mo kasi marinig na nagbibigay siya ng kahit na anong comment. Sa mga kaibigan ni Gabby, ganun naman daw talaga ang pagkakakilala nila sa aktor. Hindi s’ya mahilig makialam sa mga bagay na kung iisipin mo nga naman hindi s’ya concerned.

May mga nagsasabi namang hindi s’ya concerned dahil s’ya ay nasa GMA-7 na, at sa totoo lang, doon naman muling tumaas ang kanyang career.

Nakaalis s’ya sa bakuran ng ABS-CBN bago pa nagkaroon ng mga problema.

“Hindi naman sa walang concern, dahil wala man ako sa network, nandoon naman anak kong si KC [Concepcion], and she’s hoping to restart her career again.

“Mukha namang tutulungan s’ya ng network, kaya s’yempre concerned pa rin tayo r’yan.

“Legal issues iyan at siguro people with legal minds ang dapat na mag-usap tungkol sa mga bagay na iyan.

“Nasa pagitan na iyan ng lawyers ng network at ng government lawyers. There are those who believe pwede pa dahil may pending bill naman. There are those who believe na hindi na pwede dahil expired na.

“Mayroon pa ngayong quo warranto petition, at d’yan sa parteng iyan, ano man ang sabihin ng kahit na sino sa atin, kung ano ang desisyon ng Supreme Court, iyon na iyon. Hindi rin naman ibig sabihin tapos na.

ALSO READ: Dingdong Dantes, nakisimpatya sa ABS-CBN

“Iyon ang pagkakaintindi ko. Pero ayokong magbigay ng kahit anong opinion about it dahil dapat sa korte na talaga pag-usapan iyan,” sabi ni Gabby.

ALSO READ: Regine Velasquez expresses support for ABS-CBN

ALSO READ: Robin Padilla, panig sa katotohanan

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *