Gabbi Garcia, may next project agad after ng Beautiful Justice

Tila love na love ng Kapuso Network ang Global Endorser na si Gabbi Garcia.

Kung inyong maaalala, kinansela ang supposed-to-be project n’yang Rosang Agimat pero nabigyan kaagad s’ya ng kapalit na teleserye, ang Beautiful Justice.

ALSO READ: Rosang Agimat is Cancelled

Hindi pa man natatapos ang action series ng GMA na Beautiful Justice, may nakahanda na kaagad na project para sa Kapuso Star.

Nasa Taiwan ngayon si Gabbi para sa isang “special project”.

Hindi pa man pinapangalanan kung anong project ito, may sapantaha na kaagad ang mga netizen.

Tanong ng isang instagram user na si Angelica Gadil, “Taiwan and only?”

Ganun din ang reaksyon ng iba pang netizen tulad nina Jordan Pajanel at ni Mark Ting.

Hindi naman napigilan ng mga supporters ni Gabbi na makipag-selfie sa Kapuso actress.

Meron ding nag-react dahil maging sa ibang bansa ay may nakakakilala sa Global Endorser ng Kapuso Network.

Comment ni Perlyn Macayaman (IG: @crisslyn02), “wow, iba talaga ang beauty ni @gabbi kilala sa kahit saang sulok ng mundo..love u gab [kiss emojis]”.

Totoo nga kayang si Gabbi ang bibida sa upcoming show ng GMA na Taiwan and Only?

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *