From sang’gre sisters to love team? Gabbi Garcia, gustong makatambal si Sanya Lopez sa isang GL series

Bukas si Kapuso actress Gabbi Garcia na gumawa ng GL o Girls Love series.

At kung sakali raw na mabigyan ng pagkakataon na makagawa ng proyekto, ang co-star niya sa Encantadia na si Sanya Lopez daw ang pangarap niyang makapareha.

Sinabi ito ng aktres kahapon, September 23, sa virutal media conference matapos ang muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.

Natanong kasi si Gabbi ng entertainment press dahil nga kakapirma lang daw niya ng kontrata, nangangahulugan daw na assured siyang may trabaho sa mga parating na buwan at taon.

Tanong sa Kapuso actress, sino pa raw ba among the GMA stars ang pangarap niyang makatrabaho sana.

Bukas naman daw si Gabbi na makatrabaho ang kahit na sino pero kung may chance daw siyang mamili, ang first choice niya ay walang iba kundi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

“Ako, anybody talaga na they would give me to work with, I’m game naman,” sagot ng actress-singer. “But siguro if you would ask me whom I really want to work with siguro I really want to work with Kuya Dong.”

Naging co-stars na sila dati sa Encantadia (2016) pero hindi naman daw sila nagkaroon ng eksena together.

“I always see Kuya Dong sa guestings, ganyan but I haven’t really worked with him in a show or a film,” paliwanag pa ni Gabbi.

Bukod sa mga teleserye, pangarap din daw ni Gabbi na makagawa pa ng maraming pelikula.

“And in the future, I really want to do more films,” ani Gabbi. “I want to explore my versatility as an actress sa film, sa pelikula. Kasi it’s different, ang shooting sa film, eh. You need to have a lot of patience. You need to really, really study and own the character.”

Isa pa sa mga nabanggit ng aktres ang pagiging game niya na gumawa ng serye kung saan babae ang kaniyang makakatambal.

Ani Gabbi, “Future dream roles? I really want to do a GL series. I want to challenge myself and, at the same time, I am an ally [of the LGBTQ community]. I wanna do that.

“And siguro, more action [series or films] pa. And siguro, I’m also game to do film that is like… coming of age film. Mga ganu’n.”

Dahil nabanggit ni Gabbi ang GL series, natanong ang aktres kung sino ba ang napupusuan niyang makapareha dito kung sakali.

“Sabi ko nga, it’s fun to work with Sanya when it comes to GL,” sagot niya.

Natuwa pa siya nang malamang game din si Sanya na gumawa ng GL series. Nabanggit ito ni Sanya sa media conference noon after ng kaniyang contract renewal with GMA ilang buwan na ang nakakaraan.

“Ayon, parang nakikita ko din ‘yon. Parang very possible because Sanya and I are close and we worked together na, so I feel like there’s gonna be a good dynamic there,” masayang pahayag ni Gabbi.

Samantala, kahit naantala ang taping ng first GMA teleserye team-up nila ng kaniyang real-life sweetheart niyang si Khalil Ramos sa Love You Stranger, agad naman itong natugunan dahil sila din ang magkatambal sa isang episode ng weekly drama anthology series ng GMA at Regal Entertainment na Regal Studio Presents: One Million Comments, Magjo-jowa na Ako!

Malaki daw ang pasasalamat ni Gabbi sa opportunity na ito para sa kanila ni Khalil.

“It’s our first TV appearance together. Mas exciting siya. Also, it’s nice that Regal [Entertainment] and GMA are collaborating with this kind of project. It gives a lot more opportunity to the artists of GMA and at the same time dagdag-good vibes every weekend,” lahad niya.

“I’m excited for this show to air, ‘yong episode namin ni Khalil because it’s just really light. It’s a romcom. ‘Di ba, sa panahon ngayon, it’s important to feel light and to cheer up ourselves. Pati ako, I’m looking forward to see the whole episode this Saturday.”

Kuwento pa niya, mas gamay na raw nila ang isa’t isa habang ginagawa ang project na ito, kumpara sa pinagsamahan nilang pelikula dati.

“At first kasi, when we were doing our movie before for Pista ng Pelikulang Pilipino, doon talaga medyo nagkakapaan kami on our work ethics. But after that… a lot of opportunities came in for us working together. So, this one was kind of a breeze for the both of us,” pagbabahagi ng Kapuso Millennial It Girl.

“It was a lot easier when it comes to our work ethics… kasi we always tell ourselves that we are actors first when we are on the set. Secondary na ‘yong, you know, ‘Okey, we are in a relationship or we’re partners. But being an actor comes first.’ We help each other.

“Khalil is very generous when it comes to acting. He really talks to me. He discusses with me the obligations of the character, the story. So, it’s a give-and-take kind of work ethics for the both of us,” pagtatapos ni Gabbi.

Mapapanood sina Gabbi at Khalil sa Regal Studio Presents: One Million Comments, Magjo-jowa na Ako! ngayong Sabado, September 25, 8:30 p.m. sa GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *