Free-to-air Channel ng GMA, magbabagong bihis na sa Lunes!

May malaking pagbabago sa GMA News TV simula sa February 22 dahil from GMA News TV, makikilala na bilang GTV-27 ang isang free-to-air channel ng GMA Network.

Noong Disyembre pa noong nakaraang taon naging maugong ang balita na magrerebrand ang GMA News TV dahil na rin sa dami nang mga upcoming entertainment content na ipapasok sa nasabing channel.

READ: GMA News TV, magrerebrand na ba ngayong 2021?

Nabatikos pa ang GMA News TV noong kasagsagan ng Bagyong Rolly dahil sa pagpapalabas ng anime imbes na special news coverage.

Noong February 9 pa nagsimulang ipalabas ang teaser ng GTV-27 na makikita ang bagong channel logo at ang teaser na “A big change is about to happen and it’s gonna be good.”

Senyales nga ng “big change” ang new shows ng channel at isa rito ang nagre-rate na fantasy-romance series na The Lost Recipe na patok sa viewers at palaging trending sa Twitter, pati na rin ang romance-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig, at ang all-original comedy gag show na Game of the Gens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *