‘First Yaya’ nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, magkakaroon ng Book 2?

Matapos ang massive success ng First Yaya, maraming fans ang gustong malaman kung magkakaroon nga ba ang Kapuso rom-com series ng Book 2.

Mukhang malapit na nating malaman ang sagot, dahil sa ibinahagi nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na teaser photo na may nakasulat na, “Sa muling pagkikita…”

Ibinahagi rin ng lead stars ng First yaya ang screen grabs mula sa online reunion ng cast.

Saad naman ni Gabby sa kaniyang caption, “Magsisimula na!!! #SaMulingPagkikita”

Wala pang official announcement mula sa First Yaya team, pero nakarating na sa milyun-milyong Kapuso fans ang post na ito nina Gabby at Sanya.

Labis na na-excite ang fans dahil mukhang matutuloy na nga ang muling pagbabalik nina Yaya Melody at President Glenn.

“Eto na nga yung inaantay ko,” komento ng isang fan. “Makikita na naman ulit namin ang GlenDy,” sabi ng isa pang fan.

One thought on “‘First Yaya’ nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, magkakaroon ng Book 2?

  1. May pag-asang mag lock in taping soon yung Taiwan and Only, Rosang Agimat, Running Man Philippines, Boys Over Flowers (Pinoy Remake), Magkassangang Dikit, Starstruck 8, at Starstruck Kids 2 na malapit na pong palabas dito sa GMA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *