‘First Yaya’ at ilan pang Kapuso shows, mapapanood rin sa iQiyi worldwide!

May surpresa ang GMA Network para sa mga Kapuso dito sa bansa at maging sa buong mundo matapos nitong makipag-team up sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa mundo — ang iQiyi International.

Napapanood na ngayon sa iQiyi ang top-rating GMA primetime series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Isa ito sa pinakamabentang Filipino entertainment title ngayon sa iQiyi.

Maging ang Agimat ng Agila na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla ay napapanood na rin sa giant streaming platform.

Bukod sa First Yaya at Agimat ng Agila, mapapanood rin sa iQiyi ang upcoming Kapuso drama series na Legal Wives, tampok sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Kasama rin sa mapapanood sa iQiyi ang TV adaptation ng classic film na Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Claire Castro.

Hindi rin pahuhuli ang Love You Stranger ng real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ang iQiyi na may 530 million active subscribers ang isa sa may pinakamaraming subscribers worldwide. Tinalo pa nito ang Netflix na may 208 million subscribers.

Sumunod naman sa may pinakamaraming subscribers ay ang Amazon Prime Video na may 150 million subscribers.

Ilan pa sa kakompitensya ng iQiyi ay ang WeTV na may 2 million subscribers at iFlix na may 17 million subscribers.

Ang Viu naman ay may 53 million paid subscribers at ang Crunchyroll naman ay may 4 million subscribers.

Samantala, ang iWantTFC naman ay may 11.3 million subscribers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *