First MMK episode ni Janine Gutierrez, natalo sa ratings; ‘FPJ Da King,’ tinalo ang ‘Dear Uge’

Bahagyang bumaba ang ratings ng All-Out Sundays nitong Linggo, May 9, na nakakuha ng 4.7%. Mas mataas pa rin ito sa katapat nitong ASAP Natin ‘to — na bukod sa A2Z ay napapanood rin sa TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV pero naka-2.4% lang.

Kapansin-pansing bumaba ang viewership noong Linggo dahil na rin siguro mas pinili ng mga taong lumabas ng kanilang mga tahanan para ipagdiwang ang Mother’s Day. Kaya kahit special guest ang SB19 sa All-Out Sundays ay bumaba pa rin ang ratings nito.

Panalo naman ang FPJ Da King na naka-4% combined rating kaya lumalabas na natalo nito ang 3.4% ng Dear Uge na sa GMA-7 lang napapanood.

Naka-3.2% naman ang Instant Mommy ni Eugene Domingo na ipinalabas sa GMA Blockbusters.

Tumaas naman ang Biyahe ni Drew na naka-4.4%, at 6.5% naman ang Amazing Earth ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Medyo bumaba naman ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-19.1%, pero napakalayo pa rin ng agwat nito sa katapat na Almost Paradise na naka-1.2% lang.

Samantala, kahit noong January 2016 pa unang ipinalabas ang Mother’s Day episode ng Magpakailanman na pinagbidahan nina Aiai delas Alas at Snooky Serna, waging-wagi pa rin sa ratings ang replay episode nito noong Sabado, May 8.

Naka-17.3% ang Magpakailanman, 2.8% ang Your Face Sounds Familiar, at 2.4% lang ang bagong episode ng Maalaala Mo Kaya na “Love in Lockdown” na pinagbibidahan nina JM de Guzman at bagong Kapamilya na si Janine Gutierrez.

Waging-wagi rin sa viewership ang Pepito Manaloto: Kuwento Kuwento na naka-11.8% at naka-16.7% naman ang second episode ng Agimat ng Agila.

Naka-8.7% naman ang Daddy’s Gurl at 4.8% naman ang sumunod na I-Witness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *