First Kapamilya teleserye ni Janine Gutierrez, tsutsugihin na?

Mahigit isang buwan pa lang umeere ang first teleserye ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN pero malapit na kaagad itong matapos.

Ngayon ang last taping day ng Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nila ni Paulo Avelino.

Tatlong cycle lang sana ang lock-in taping nila, pero nagpositibo si Paulo habang nasa third and final cycle sila, kaya hindi iyon natapos at nagkaroon pa sila ng apat na taping days na nagsimula noong Sunday (hindi kasama sa bilang ang swab testing nila at pag-check in sa hotel).

Bukas naman ang exit swab test ng lahat at Friday ay lalabas na sila kanilang hotel na tinutuluyan.

Hindi gaanong umariba sa ratings game ang unang teleserye ni Janine sa ABS-CBN matapos nitong pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya Network.

Ayon sa pinakahuling datos na nakuha namin mula sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang Marry Me, Marry You na ipinapalabas simultaneously sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ng 4.0% noong Lunes (October 18). Samantala ang katapat nitong Tale of the Nine-Taled na sa GMA-7 lang ipinapalabas ay nakapagtala ng 6.1%.

Talo rin buong linggo last week ang Marry Me, Marry You sa pilot week ng bagong K-Drama na ipinapalabas sa GMA-7.

Oct 11Oct 12Oct 13Oct 14Oct 15
Marry Me, Marry You
(TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV)
3.3%4.1%3.6%3.6%3.9%
Tale of the Nine-Taled
(GMA-7)
5.9%6.3%5.7%6.5%6.7%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *