First appearance ni Sharon Cuneta sa ‘Probinsyano,’ nilampaso ng ‘I Left My Heart in Sorsogon’

Nagsimula nang mapanood si Megastar Ms. Sharon Cuneta sa long-running Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang Biyernes, November 26.

Ayon sa Nielsen Philippines, nakapagtala ito ng 9.4% combined ratings mula sa A2Z, TV5, Cinemo at Kapamilya Channel.

Kahit sa apat na channels na ito napapanood, natalo pa rin ito ng bagong Kapuso series na I Left My Heart in Sorsogon na pinagbibidahan ni Queen of Creative Collaborations Ms. Heart Evangelista.

Mukhang marami ang nasabing sa TV comeback ni Heart na huling napanood sa My Korean Jagiya noong 2018.

Nakakuha ng 12.3% na rating ang episode ng I Left My Heart in Sorsogon noong Biyernes.

Ipinapakilala pa lang naman ang karakter ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Aurora, kaya mukhang tataas pa ito.

Tiniyak naman ng mga creatives ng I Left My Heart in Sorsogon na mas maganda ang mga susunod na tagpo. Sabi nga ni Paolo Contis, kinarir talaga nila ang mga karakter nila rito.

Samantala, sinundan naman ito ng The World Between Us na naka-10.5% laban sa 4.6% ng Marry Me, Marry You (A2Z/TV5/Kapamilya Channel/JeepneyTV).

Kahit nasa mas late na timeslot na ang To Have & To Hold, naka-9.4% pa rin ito, mas mataas kumpara sa 2.8% ng Viral Scandal (A2Z/TV5/Kapamilya Channel/JeepneyTV).

Samantala, tumaas ang rating ng 25th anniversary episode ng Bubble Gang noong Biyernes. Naka-4.5% ito, at 2.5% naman ang combined ratings ng La Vida Lena.

I Left My Heart in Sorsogon (GMA) – 12.3%
FPJ’s Ang Probinsyano (ABS-CBN) – 9.4%

The World Between Us (GMA) – 10.5%
Marry Me, Marry You (ABS-CBN) – 4.6%

To Have & To Hold (GMA) – 9.4%
Viral Scandal (ABS-CBN) – 2.8%

Bubble Gang (GMA) – 4.5%
La Vida Lena (ABS-CBN) – 2.5%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *