‘Fates and Furies,’ unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa 2021

Matindi ang pagbubukas ng 2021 dahil ang South Korean drama series na Fates and Furies ang unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa inyong mga umaga.

Tunghayan ang kuwento ng pangarap at ambisyon ni Hera (Lee Min-Jung), may-ari ng isang lumang pagawaan ng mga pekeng sapatos.

Nabaon sa utang ang kaniyang pagawaan ng sapatos matapos mamatay ng kanyang ama. Lalo siyang nagipit sa pera dahil sa patuloy na gastusin sa ospital dahil ang kaniyang kapatid ay kasalukuyang comatose.

Gayunpaman, hindi tumigil si Hera sa pangangarap na balang araw ay maiaahon niya ang kanyang shop at mapalaki ito bilang isang kilalang brand.

Naisip niyang iisa lang ang solusyon sa kanyang mga problema, pera.

May lalapit sa kanyang oportunidad para magkaroon ng pera pero kaya ba ito ng kanyang konsensiya?

Makikilala niya si Theo (Lee Ki-Woo) na aatasan siyang sumira ng isang relasyon kapalit ng malaking halaga.

Kailangang agawin ni Hera si Gino (Joo Sang-Wook), bahagi ng pamilyang may ari ng major shoe brand na Gold Group, mula sa fiancee nitong si Suzy (So Yi-Hyun), isang sikat na reporter at heredera.

Magagawa kaya ito ni Hera sa ngalan ng pera at ambisyon?

Abangan ang Fates and Furies ng GMA Heart of Asia ngayong 2021!

2 thoughts on “‘Fates and Furies,’ unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *