Fantasy romcom series na ‘My Fantastic Pag-ibig,’ bagong handog ng GMA Public Affairs

Ibang level na talaga ang GMA Public Affairs dahil sa dami nitong ipo-produce na teleserye ngayong 2021!

READ: Upcoming GMA shows for 2021

Buong pagmamalaking inihahandog ng GMA Public Affairs ang bagong romcom series na pinamagatang My Fantastic Pag-ibig kung saan bibida ang most promising young love teams ng network.

Anim na natatangi at makapagbagbag-damdaming kwento ang itatampok ng bagong drama anthology, na layuning tangayin ang imahinasyon ng manonood sa pamamagitan ng mga love story na talaga namang makakapukaw ng atensyon.

Sa unang installment, tampok ang kwento ng isang modern-day cupid at isang dating app developer.

Sa paniniwala ng kupido na nagreresulta lang sa pagkawasak ng puso at pagkawala ng tiwala na makahanap ng true love ang mga dating app, susubukan niyang i-sabotahe ang isang matagumpay na kumpanya na gumagawa ng dating app na “MatchTayo”. Magtagumpay kaya siya sa kanyang binabalak?

Sa pangalawang installment naman, tampok ang isang kwento ng isang heartbreaker na kung kailan natagpuan na niya ang taong kanyang seseryosohin ay biglang naharap sa isang pangyayaring higit sa karaniwan.

Nang mahanap na ng isang “ghoster” ang kanyang “love of his life,” tsaka naman nagbiro ang kapalaran. Naaksidente siya at na-coma. Dahil ayaw niyang isipin ng kanyang minamahal na “na-ghost” siya ng lalaki, sasanib siya sa iba’t ibang katawan para lang makausap ang babae. Paano kaya siya makaka-survive sa malupit na pag-ikot ng kapalaran?

Ma-inlove sa mga kwentong handog ng My Fantastic Pag-ibig na puno ng fantasy, kilig, at magic ngayong 2021.

Abangan ang My Fantastic Pag-ibig sa GMA News TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *