Enchong Dee, nagulat sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA

Isa sa mga kilalang matalik na magkaibigan sa showbiz sina Bea Alonzo at Enchong Dee.

Ngunit tila clueless ang aktor sa naging desisyon ng aktres na lumipat sa bakuran ng GMA Network.

Sa isang panayam sa Kapamilya actor, sina niya na, “Never kasi naging aspeto ‘yung pagiging magkaibigan namin. That’s why bilang kaibigan, you just have to be there to support her.”

Giit rin ni Enchong na bawat isa ay may sariling buhay at karera na gustong tahakin.

“Bawa’t isang artista may kanya-kanyang karera. Sa sarili ko pa lang, pagod na pagod na ako so hindi ko na yata maasikaso yung karera niya,” paliwanag niya.

Sa kabila ng pagkagulat ng aktor sa hindi pagsasabi ni Bea sa kaniyang planong paglipat sa Kapuso network, patuloy pa rin daw niya itong susuportahan.

Naikuwento rin ni Enchong na dapat sana ay magkikita sila ni Bea para mag-dinner pero lumipad na nga ang aktres papuntang US kasama ang rumored boyfriend niyang si Dominique Roque.

Mukhang hindi naman apektado ang magkaibigan kahit na magkaiba na sila ng network na pinagtatrabahuan.

Nang tanungin si Enchong kung mami-miss niya ba si Bea, taning sagot ng aktor ay, “Puwede ko naman puntahan siya kung nami-miss ko siya.”

Nananatili pa ring matatag ang samahan ng dalawang magkaibigan kahit na nga matagal na silang hindi nagkikita at nagkakasama.

Patunay lang na hindi basehan kung Kapamilya o Kapuso para maging tunay at pangmatagalan ang pagiging magkaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *