Enchong Dee, nagtatago na?

Matatandaan na nagkaroon ng hindi magandang batuhan ng mga salita sa Twitter ang aktor na si Enchong Dee at DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong nagdaang taon, 2021. Mapanira at walang pagpreno ang mga naging paratang ng aktor, na ikinagalit at naging dahilan upang tuluyang mag-file ng kaso ang huli, laban sa ABS-CBN actor.

Ito ang maiksing pahayag na nakasaad sa official complaint laban sa actor:

“The People of the Philippines vs. Ernest Lorenzo Velasquez Dee a.k.a. Enchong Dee,” was subsequently filed before the RTC of Davao Occidental. As a result, last January 25, 2022, a Warrant of Arrest was issued against Dee in Criminal Case No. 03(2022) for Libel (RPC Art 353) in rel. to 355 of the RPC in further rel. to Sec 4(c) (4) and (6) of RA No 10175.”

Maaalalang naglabas na ng public apology ang aktor na hindi tinanggap ng congresswoman. Kalaunan ay naglabas ang mga eksperto sa batas ng kani-kanilang mga opinyon sa issue. Marami ang nagsabing nagpalala pa ito sa maaaring kaharaping kaso ni Enchong Dee.

Maraming naging kausap ang aktor sa kanyang mga tweet ngunit tanging si Enchong lamang ang may mga nasabing libelous. Nawala ang ibang mga nakausap ng aktor sa Twitter na naglabas ng saloobin nang magsasampa ng kaso ang kongresista. 

Kamakailan lamang, napag-alaman na noong nagdaang Hunyo 26 ng nakaraang taon, ay nagpunta na ang mga kapulisan sa ibinigay na address ng aktor sa Cubao upang maihain ang kanyang Warrant of Arrest. Ngunit ikinagulat ng lahat nang hindi nila ito matagpuan.

Ang nasabing address, na nanggaling mula mismo sa aktor ay isa lamang pala sa pag-aari nitong apartment. Nakumpirma ng mga awtoridad na hindi dito nanunuluyan si Enchong. Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang aktor.

Ngayon, ang umuugong na tanong ay kung nagtatago na nga ba ito? Naka-turn off din ang comment section sa huling post ng aktor sa kanyang Instagram account. Hindi maiwasang isipin na konektado ito sa kanyang warrant of arrest. Wala pang kahit anong kumpirmadong detalye o follow up actions mula sa kapulisan.

Sa kabilang banda ay hindi naman nagpapaunlak ng kahit anong panayam si Congresswoman Bautista-Lim.

Ito ay developing story at maaasahan ninyo na nakaantabay ang Bored Productive sa mga paparating pang mga balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *