Encantadia Lead Concept Artist nagkomento sa post ni Erik Matti

Nababash ngayon ang batikang direktor na si Erik Matti dahil sa ipinost n’ya sa Twitter.

Sa kanyang post, sinabi ng direktor na ang mga K-Drama series ang papatay sa industriya ng pelikula at mga palabas sa telebisyon.

ALSO READ: Erik Matti Says That Local Movies and TV Shows are Doomed Because of K-Drama

Dahil dito, nagbigay rin ng opinyon ang Lead Concept Artist ng GMA Network na si Noel Layon Flores.

Ayon kay Flores, “Well for one thing… This only reveals that he still doesn’t really know the Filipino audience’s psyche.”

Sinabi rin ng Encantadia Lead Concept Artist na dapat ay nagpapahinga rin ang batikang direktor sa pagiging storyteller at makisabay rin paminsan-minsan sa pop culture.

“He usually researches themes he prefers. His movies are great and well thought of, but sometimes he needs to stop being a story teller for a while and be in the position of the pop culture audience.”

Maliban sa Encantadia (2016 TV Series), naging bahagi rin si Noel Flores sa mga bumuo ng mga produksyon tulad ng Darna (2005 TV Series), Mulawin, Atlantika, Darna (2009 TV Series), Resiklo, Fantastic Man, Zaido, at Joaquin Bordado.

Sa kasalukuyan, ginagawa naman ngayon ni Noel ang mga disenyo para sa inaabangang local live-action adaptation ng Voltes V.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *