Ella Cruz, gustong ibalik ni Pokwang sa dagat

Nais ni Pokwang ibalik ang ‘anak ‘ na si Ella Cruz sa dagat.

Dahil ito sa sinabi ni Ella na ang history ay para lang chismis.

“nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasangayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana,” pahayag ni Pokwang sa kanyang tweet.

Kung matatandaan ay gumanap silang mag-ina sa Kapamilya teleserye noon na Aryana kung saan gumanap na sirena si Ella.

Kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Ella Cruz tungkol sa history, pinayuhan siya ng aktres na si Agot Isidro sa isang tweet nitong Hulyo 2 ng “Ella, I love you and you’re the sweetest. (Serious ako. She really is.) Next time puede tayong sumagot ng, ‘No Comment.’ Again, mahal kita.”

Photo Credit : Agot Isidro (@agot_isidro) Source: Twitter

Nag-viral din ang isang open letter para kay Ella Cruz na ibinahagi ng Pambansang Marites na si Xian Gaza. Sa kaniyang post, inisa-isa ni Gaza ang pagkakaiba ng history, tsismis, at history revisionism na ikinonekta rin niya sa kanilang di umano’y naging relasyon noong 2016. Labis itong ikinagulat ng mga netizen dahil hindi naging maugong ang pagsasama ng dalawa noon sa isang relasyon.

Photo Credit : https://www.facebook.com/christianalbertga

Ito ang kabuuang pahayag ni Gaza sa kanyang Facebook post, basahin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *