Ed Caluag life story, wagi sa ratings!

Mainit na tinanggap ng mga manonood ang Magpakailanman episode kung saan tampok ang buhay ng paranormal investigator na si Ed Caluag.

Sa katunayan, #1 trending topic ang hashtag nito na #MPKEdCaluagStory sa Twitter Philippines.

Bukod dito, mas mataas ang nakuha nito na rating kumpara sa kalaban nitong programa sa ABS-CBN.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nagtala ang episode na ito ng Magpakailanman ng 11.2%.

Nakilala ang paranormal expert na si Ed Caluag nang maimbitahan siya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho nang dahil sa kanyang kakaibang kakayahan na nakatutulong din sa ibang tao.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *