‘Eat Bulaga,’ nangunguna pa rin sa TV at online!

Patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang longest-running variety show na Eat Bulaga! hindi lang sa telebisyon kundi maging sa online space.

Tinututukan pa rin tuwing tanghali ang mga segments nitong “Bawal Judgmental!,” “Juan for All, All for Juan: Agad-Agad!,” “Social Dis-Dancing,” “Pamilya Nunal,” at ang pinakabago nitong segment na “Bida Voice: Shy Singing Contest.”

Sa mahigit apat na dekada ng Eat Bulaga, wala na ngang dapat patunayan pa ang noontime show at mas pinapanood pa rin ito kumpara sa ibang variety shows. Hindi na nga lang sa telebisyon ito pinapanood kundi maging sa iba’t ibang social media platform.

On YouTube

Ayon sa datos mula sa Tubular Labs, nakapagtala ng 103.5 million views ang Eat Bulaga sa YouTube mula Nov 2020 hanggang January 2021. Mas mataas ito kumpara sa total views ng It’s Showtime sa YouTube na 12.1 million.

Samantala, mas mataas naman ang nakuhang views sa YouTube ng Lunch Out Loud kumpara sa It’s Showtime. Nakapagtala ang LOL ng 19.4 million views. Pero hindi naman ito nangangahulugang mas pinapanood ang TV5 noontime show kaysa sa It’s Showtime sa YouTube, karamihan kasi ng videos ng Showtime ay sa main channel na ABS-CBN Entertainment ina-upload.

Pumapangalawa naman sa Eat Bulaga ang Wowowin na nakakuha naman ng 90.7 million views.

  1. Eat Bulaga – 103.5M views
  2. Wowowin – 90.7M views
  3. Lunch Out Loud – 19.4M views
  4. It’s Showtime – 12.1M views

On Facebook

Maging sa Facebook ay nangunguna pa rin ang Eat Bulaga with 296.1 million views. Pumapangalawa ang It’s Showtime with over 244.2 million views.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Wowowin with 162.4 million views. At naka-13.22 million views naman ang 5-month old na TV5 noontime show na Lunch Out Loud.

  1. Eat Bulaga – 296.1M views
  2. It’s Showtime – 244.2M views
  3. Wowowin – 162.4M views
  4. Lunch Out Loud – 13.22M views

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *