Dream come true raw: Bea Alonzo, nag-taping na para sa ‘Bubble Gang’

May big surprise ang multi-awarded Kapuso gag show na Bubble Gang dahil isang dekalibreng aktres ang makikigulo at magbibigay ng good vibes soon.

Natupad na rin ang wish ni Bea Alonzo na makapag-guest sa Bubble Gang dahil kahapon, September 27, ay nag-taping na siya.

Matapos pumirma ng kontrata ang showbiz jewel na si Bea sa GMA Network noong Hulyo, maggi-guest naman siya sa flagship comedy program ng GMA-7.

Kasabay ni Bea na nag-guest si Herlene Budol na nakilala sa Wowowin bilang si Hipon Girl.

Sa post ni Bea sa Instagram Story, excited na siya makigulo sa taping ng Bubble Gang nito lang Lunes.

Samantala, may nakakatawang hirit naman ang comedienne-actress na si Herlene nang makita sa personal si Bea.

Post niya sa Instagram na handa raw siyang magpasampal sa award-winning TV-movie star.

Wala pang nabanggit kung kailan ang airing ng guesting ni Bea sa Bubble Gang na sumunod sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show.

Inaabangan na rin siya sa Eat Bulaga at hinihintay na siya nina Camille Prats at Iya Villania sa Mars Pa More.

Inaabangan din ng fans ni Bea ang pagsisimula ng shooting nila ni Alden Richards ng movie nila at ang gagawing teleserye sa GMA-7 na surpresa pa ang makakasama niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *