Dobol B sa News TV, tatlong taon na!

Ang bilis nga naman talaga ng panahon dahil akalain mong tatlong taon na pala nang nailunsad ang paborito nating ‘radyo na, TV pa!’ o ang Dobol B sa News TV.

Una nating napanood ang pagsasanib-pwersa ng AM radio station na Super Radyo DZBB at GMA News TV noong April 24, 2017.

Simula nga noong ilunsad ito, palaki rin nang palaki ang tagumpay nito at talaga nga namang lalo itong tinangkilik ng mga manonood dahil sa husay ng mga anchor at reporter nito.

Pinangungunahan ito ng mga pinaka pinagkakatiwalaan ng bayan na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Ali Sotto, Susan Enriquez, Joel Reyes Zobel, at Melo Del Prado.

Nakakaaliw rin talaga ang mga segment nito tulad ng ‘Jeng-Jeng’, ‘Balitawit’, at ‘SINO?’.

Kung noong una, apat na oras lang mula Lunes hanggang Biyernes napapanood sa TV ang radio show ng DZBB, naging araw-araw na ito at na-extend mula 6am hanggang 12nn.

Dobol B sa News TV

At ngayon, mas lalo pang pinahaba ang oras ng Dobol B sa News TV dahil nga pinakamahalaga ngayon ang paghahatid ng balita at updates tungkol sa sitwasyon ng bansa dulot ng COVID-19.

Araw-araw mula alas-said ng umaga hanggang mag-24 Oras na napapanood ang Dobol B sa News TV kung saan malaking porsyento ng programming nila ang kanilang Bantay COVID-19 Special Coverage.

Kaya naman gaya ng mga medical frontliner, saludo rin kami sa dedikasyon ng mga tagapagbalita dahil matindi rin ang sakripisyong ginagawa nila.

At kahit doble nga ang challenge para sa kanila ngayon, worth the celebration pa rin talaga ang anibersaryo ng Dobol B sa News TV.

Happy 3rd anniversary po sa inyo and more power!

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *