Dingdong Dantes, nakisimpatya sa ABS-CBN

Nag-trending kahapon sa Twitter ang pangalan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos n’yang mag-tweet ng kanyang pagsuporta sa franchise issue ng Kapamilya Network.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 9.8K retweets at 61.7K likes ang post ng Kapuso actor.

Tweet ng aktor, “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.”

True blooded Kapuso si Dingdong pero nakagawa na s’ya ng ilang pelikula sa film arm ng ABS-CBN.

Kaya kahit isang Kapuso ay hindi na nakapagtataka na nakisimpatya ang aktor sa kinakaharap na malaking dagok ng istasyon.

Dagdag pa ng aktor, “In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses.”

Hindi man tinukoy ng aktor sa kanyang tweet kung ano ang “countermeasure against alleged abuse”, tila may kinalaman ito sa Quo Warranto Petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court upang ipawalang bisa ang franchise ng giant media network na ABS-CBN.

Nakasaad sa quo warranto petition ng Solicitor General, “We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years.”

Mahigit isang buwan na lang ang nalalabi bago mapaso ang franchise ng ABS-CBN pero hindi pa rin tinatalakay sa kamara ang House Bill para i-renew ang prangkisa nito.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *