Dindong Dantes, bibida sa tatlong Remake

Sunud-sunod na remake ang nakatakdang gawin ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ngayong 2020 — isang hango mula sa isang South Korean drama series, isang South Korean movie, at film adaptation ng isang sikat na superhero comics.

Magsisimula nang ipalabas sa GMA-7 ang Philippine adaptation ng Descendants of the Sun kung saan bida ang Kapuso actor, katambal ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Kasama ng dalawa bilang main cast sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

Nakatakda nang umere ang pilot episode ng DOTS PH sa February 10.

Hindi lang ang DOTS ang proyekto ni Dingdong ngayong taon. Bibida rin s’ya sa local adaptation ng 2014 South Korean action thriller film na A Hard Day.

Inanunsyo ito ng Viva Films sa kanilang pag-launch ng Viva Vision 2020 na ginanap sa Novotel noong Lunes, January 28.

ALSO READ: Viva Films unveils upcoming movies for 2020

Makakasama ng Kapuso actor sina John Arcilla at Janno Gibbs sa A Hard Day.

Gagawin rin ni Dingdong ang film adaptation ng sikat na komiks na Joaquin Bordado ni Carlo J. Caparas.

Nauna nang gumawa ang GMA-7 ng adaptation ng Joaquin Bordado, pero para ito sa telebisyon kung saan bumida ang action star na si Robin Padilla. Ipinalabas ito noong 2008 sa GMA Telebabad.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *