Dimples Romana, napiling isa sa mga juror sa International Emmy Awards

Tuwang-tuwa ang aktres na si Dimples Romana na muling maging isa sa mga hurado para sa 2022 International Emmy Awards.

Ibinahagi ng aktres ang balita nito lang Lunes, June 20, kalakip ng larawan ng logo na may nakasulat na “2022 Juror” at “50th International Emmy Awards.”

“Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months!” saad ni Dimples sa kaniyang caption, na nagpapahiwatig na maaari na niyang ibahagi ang balita sa publiko.

Sinabi ng aktres na isa itong karangalan at nagpapasalamat siyang mag-participate bilang isang juror.

Pinasalamatan rin niya ang International Academy of Television Arts & Sciences dahil sa pagkakataong ito na “once-in-a-lifetime experience.”

“Contributing in selecting the Best Television programming from around the world was both my honor and pleasure,” dagdag niya.

Binati naman siya ng ilan sa kaniyang mga kasamahan sa industriya, kabilang sina Jerald Napoles, Cherry Pie Picache, at Gian Magdangal para sa achievement niyang ito.

Sa kasalukuyan, anytime soon ay ipapanganak na ni Dimples ang kaniyang ikatlong anak.

Matagal na si Dimples sa showbiz at sumikat bilang cast member ng Tabing Ilog.

Ilan sa notable roles niya ay sa pelikulang One More Chance at teleseryeng Kadenang Ginto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *