‘Descendants of the Sun’, mamayang gabi na!

Mamayang gabi na ang World Premiere ng inaabangang Pinoy version ng Descendants of the Sun.

Matagal nang nakuha ng GMA Network ang format rights nito mula sa Korean Broadcasting System (KBS), noon pang 2016, matapos ipalabas dito sa bansa ng network.

Ipinalabas din ito sa ibang bansa, kaya nga talagang minahal ito ng televiewers.

Matagal din itong pinaghandaan ng GMA Network, dahil lahat ng gagawin nila sa Pinoy version ay dapat aprubado ng KBS. Si Director Dominic Zapata at ang kanyang mga manunulat ang nasa likod nito.

Nagpa-audition din noon sa mga artistang pwedeng gumanap sa maraming karakter na bubuo sa serye.

Naghanap din sila ng mga lokasyon na gagamitin na hawig sa napanood sa Korean verion nito.

Sumailalim din sa matinding training ang mga gaganap na sundalo sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Captain Lucas “Big Boss” Manalo.

Bumubuo naman sa Alpha Team ni Big Boss sina Rocco Nacino, Jon Lucas, Prince Clemente, at Lucho Ayala.

Kabilang din sa military team ang magaling na Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith.

Ang medical team naman na pinapangunahan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ay nag-training din sa V. Luna Medical Center.

Nakausap ni Nora Calderon ng Philippine Star si Jennylyn sa media conference ng serye noong January 30.

Sabi ng aktres, “Sana kahit papaano maipakita namin sa teleserye kung ano ang core ng existence nating mga Pilipino, na i-remind namin sa mga manonood na mahalaga pa rin ang pagmamahal at pag-unawa natin sa ating kapwa.”

Ayon naman kay Dingdong, “Iyong magawa naming kahawig ng eksena but different ang presentation; iyong mas maipakita namin ang bawat character sa teleserye batay sa pagganap ng original actors. Makikita nila rito ang difference mula sa original drama ng South Korea na in-approve naman nila.”

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Jenzel Angeles, Marina Benipayo, Neil Ryan Sese, Nicole Donesa, Pancho Magno, Paul Salas, Reese Tuazon, Renz Fernandez, Ian Ignacio, Andre Paras, Antonio Aquitania, Chariz Solomon, Hailey Mendes, Roi Vinzon, Carlo Gonzales, Ricardo Cepeda, at marami pang iba.

Magsisimulang mapanood ngayong gabi ang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation sa ganap na 8:30 PM sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *