Derrick Monasterio, umaming “mahal na mahal” si Alden Richards

Pareho raw iniidolo ni Derrick Monasterio ang mga kapwa niya Kapuso actors na sina Alden Richards at Dingdong Dantes.

Kaya naman kahit katiting daw ay hindi siya nakikitaan ng pagkainggit man lang sa tinatamasang kasikatan ng kasabayan niyang si Alden nang matanong ni G3 San Diego sa kaniyang IG Live.

“I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The Road days. Kasama ko si Alden sa L.A. nang mag-premiere ang The Road, hindi pa [ganoon kasikat si] Alden noon, pero nakita ko ang totoong Alden.

“Hanggang ngayon, gano’n pa rin. Kaya ko siya mahal na mahal and I respect him so much and I love him, he never changed,” pahayag ni Derrick.

“Kahit kanino niyo itanong, hindi siya nagbago. Mahirap ‘yun kasi ako, minsan parang nai-irritate, pero siya, very generous, nakiki-bonding sa lahat,” dagdag pa niya.

Pero kung papipiliin raw siya kung kaninong footsteps ang gusto niyang sundan, kung kay Dingdong o kay Alden, mas gusto raw ni Derrick na maging Dingdong pagtanda niya.

Nakikita raw kasi niyang very fit si Dingdong sa politics at feeling niya n’ya ay kaya niya ring maging mabuting impluwensya sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *