Derek Ramsay, retired na nga ba sa showbiz?

Naging matunog ngayon sa social media ang naging sagot ng aktor na si Derek Ramsay sa isa nyang fan. Matagal na rin kasi nang huling umarte ang aktor sa harap ng camera. Matagal na ring nag-aantay ang kanyang mga taga-subaysabay na magkaroon sya ng bagong proyekto sa GMA 7.

Mensahe ng isang fan, “I miss you sir Derek ramsay. Sana magkaproject ka na uli sa GMA. Dedma ka na lang sa mga negatrolls.”

Maiksing “retired” lang ang sagot ni Derek sa kaniyang fan.

Totoo nga kayang nag-retire na ang aktor sa pag-arte? Kung gayon man ay bakit walang nababanggit ang GMA-7?

Marami ang nagbigay ng kanilang mga personal na impormasyon. May mga nagsasabi na baka gusto lamang ng aktor na mag-focus muna sa kaniyang pamilya. Mayroon ding nagsabi baka ipinapahiwatig lamang ng aktor ang pakiramdam nito ngayong wala itong proyekto.

Di rin maiwasan na maungkat ang naging paghihiwalay nila ng dating kasintahan na si Andrea Torres na ngayon naman ay arangkada ang mga bagong proyekto. Marami ang pumuna at nagsabing mas pinapanigan ng GMA 7 si Andrea.

Wala pang kahit anong kumpirmasyon o sagot patungkol sa kung bakit wala pang proyekto ang nasabing aktor.

Sa ngayon ay mukha namang masaya si Derek na sa sya namang importante sa lahat. Suportahan na lamang natin sya at ang kanyang pamilya. Susubaybayan namin at makakaasa ang aming mga mambabasa ng updates kung sakali mang magbigay na ng pahayag ang aktor o ang kanyang TV station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *