Dennis Trillo, tatlo ang asawa sa Legal Wives ng GMA-7

Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlo ang magiging leading ladies ni Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa bagong series ng GMA-7 na may working title na Legal Wives. Ito ay sina Alice Dixson, Megan Young at Bianca Umali.

ALSO READ: Bianca Umali, makakatambal ni Dennis Trillo sa ‘Legal Wives’

Sa story conference ng drama, naikuwento ni Dennis ang mga dapat abangan sa kanya.

Aniya, “Na-e-excite ako kasi hindi ito ‘yung pangkaraniwan na show na napapanood n’yo sa Philippine television and pakiramdam ko ito ‘yung first time na makakakita sila ng iba’t ibang klase ng dynamics ng isang modern Muslim family.”

Dagdag niya, “Para sa akin interesting ‘yun kasi parang wala pang na-shu-showcase tungkol sa mga marital relations legally ng isang modern Muslim family kaya dito sa show na ito makikita nilang lahat ‘yun kung ano ‘yung nangyayari, kung paano ba nag-fa-function as a unit ‘yung iba’t ibang legal na wives.

Challenging at kakaiba ang gagampanang role ni Dennis bilang isang Maranaw Muslim royalty, na may tatlong asawa, na pinapayagan sa naturang kultura at relihiyon.

Makakasama dito ni Dennis sina Alice Dixson, Megan Young at Bianca Umali na gaganap bilang mga asawa n’ya.

First wife ang role ni Alice, na mulat sa kultura ng mga Muslim dahil minsan na siyang tumira sa Middle East.

“Napaka-open ng pag-iisip ko sa ganitong mga kuwento and I welcome it because it’s true, these kind of stories na we get to learn about other people at hindi tayo nagiging saradong isip,” ayon kay Alice.

Pangalawang asawa naman si Megan na isa namang Katoliko.

“One of the main focal points of the show is to show people na just because you don’t practice it doesn’t mean na it’s wrong, kasi lahat tayo may mga practices, it could be with our religion, with our culture,” ani Megan.

Matapos gumanap bilang si Sahaya na isang Badjao, isang Maranaw naman ang gagampanan ng ikatlong asawa na si Bianca.

Ito na raw ang pinaka-mature na role na gagampanan ni Bianca sa telebisyon.

“It’s actually fun. I like immersing myself to different cultures and ‘yun nga, tulad ng Sahaya, ang dami rin po kasing natututunan,” sabi ni Bianca.

Kabilang din sa cast sina Ms. Cherie Gil, Al Tantay, Bernard Palanca, at Kevin Santos.

Magtatambal din para sa kanilang unang teleserye sina Shayne Sava at Abdul Rahman na parehong produkto ng talent search na Starstruck 7.

Isinulat ni Suzette Doctolero ang kuwento at ididirek naman ni Zig Dulay.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *