Dennis Trillo, nagdalawang-isip sa ‘Legal Wives’

Nagdalawang-isip pala si Kapuso Drama King Dennis Trillo nang i-offer sa kaniya ng GMA ang bago niyang teleserye na Legal Wives, kasama ang tatlong mahuhusay na aktres na sina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres.

Nang malaman niya ang kuwento ng serye, naisip daw niyang very challenging ang role ni Ismael Makadatu.

“Nagdalawang-isip ako, kasi gusto ko naman sanang gawing series, something light sana, isang romantic-comedy series.

“Napagod kasi ako sa ilang action-drama na ginawa ko noon, like yung huli ko, Cain at Abel,” kuwento ni Dennis.

“Baka hindi ko kayanin ang bagong role ko, pero nang mabasa ko ang script, parang wala akong dahilan para tanggihan ang ganito kagandang kuwento, na maganda ang message at may mga aral na mapupulot ang viewers,” dagdag ng aktor.

Kaya pinag-aralan na ni Dennis ang kaniyang role bilang Ismael Makadatu. Inihanda na raw niya ang sarili sa lock-in taping nila. Nagpatubo rin siya ng facial hair para sa character niya.

May mga briefing din siya kasama ang kanilang Muslim consultants sa mga tamang gagawin at sa tamang pagbigkas ng kanilang dialect, lalo na iyong mga salitang galing sa kanilang Quran.

Ang lahat daw ng iyo ay kaniyang pinag-aralan at kinabisa para hindi siya magkamali.

Ang Legal Wives ay mula sa napakahusay na direksyon ni direk Zig Dulay at sa panulat ni GMA head writer and creative consultant Suzette Doctolero.

Mapapanood na ito simula bukas, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *