Dennis Trillo, nagpaparamdam na gustong magbalik Kapamilya?

Isa si Dennis Trillo sa mga hari ng primetime ng GMA. Sa dami ng kanyang mga nagawang proyekto na halos ay sunud-sunod, talaga nga namang pinahahalagahan sya ng kanyang home network sa loob ng 16 na taon.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, taong 2014 pa ang huling pagpirma nya ng exclusive contract sa GMA at 3 years lamang iyon. Ang ibig sabihin ay freelancer na sya noong 2017 pa lang.

Noong nakaraang MMFF, tinanong ang aktor ng isang netizen kung bakit hindi man lang sya binati ng GMA sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actor para sa pelikulang One Great Love. Ang sagot ni Dennis ay “Ganyan kami ka-importante sa GMA”.

Pero agad naman nya itong binawi at sinabing na-hack daw ang kanyang account.

READ: Dennis Trillo, na-hack ang Twitter Account!

Tila tinanggap naman ni Dennis ang pagkatalo ng kanyang programa sa kalaban nito sa timeslot. Nag-post kasi si Coco Martin sa instagram ng rating ng Ang Probinsyano noong January 30. Nag-comment naman si Dennis ng “Congrats sa inyo brad”.

Photo Credit: Coco Martin (IG: @mr.cocomartin)

Nagpaparamdam nga kaya si Dennis Trillo na nais nyang lumipat sa kabilang istasyon?

Dapat ay gumawa ng hakbang ang GMA para hindi mawala sa kanila ang isa sa pinakamagaling nilang aktor. Pero dapat ding mag-ingat si Dennis dahil baka tuluyan syang mawalan ng career.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *