Dahil walang ABS-CBN RNG: Karen Davila at iba pa, naghimutok sa kakulangan umano ng impormasyon

Kanya-kanya ng post ang aktres na si Agot Isidro, news anchor na si Karen Davila at TV host na si Bianca Gonzalez, patungkol sa kanilang pangungulila sa ABS-CBN dahil sa pinakahuling dumaang bagyo.

Saad ni Bianca sa kaniyang IG story, “Ang daming nangangalampag sa widespread media coverage at relief.

“Magiging napakalaking tulong sana ng ABS-CBN Regional Network Group sa panahon na ito.

“Madaling sabihin na “move on” sa franchise denial, pero sa ganitong pagkakataon hindi mo pala magagawa.”

May pasaring din si Agot sa 70 kongresista na tumutol na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation dahil sa mga nakitang paglabag sa prangkisa nito.

Ani Agot, “Kapag may mga disaster na ganito, tutok tayo sa balita sa TV or sa radyo. Ramdam ang pagkawala ng ABSCBN ngayon. To the 70 congressmen and their puppet master. Hindi talaga kayo nakatulong.”

Ni-retweet naman ng mamamahayag na si Karen Davila ang post ni Danilo Arao, isang UP professor, na nagsentimyento sa pagkawala ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG).

Ani Arao, “NASAAN NA? Where is ABS-CBN RNG when it is needed most? People are being deprived of information on what’s happening in hard-to-reach areas.

“Yes, other news media organizations also give updates but these are not enough. Blame the information gap on Duterte and the shameless 70.”

Caption naman ni Davila sa kaniyang retweet, “How I really feel on Twitter (broken heart emoji)”

Sa isa pang tweet ni Davila, nagbigay siya ng senaryo kung ano ang nilalaman ng puso umano ng publiko sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV.

Saad ni Davila, “What having ABSCBN on free TV means to the public. #TyphoonOdette

“VIEWER: I just wanted to say I am feeling the loss of abs on air. I feel helpless as I want to track the effects of the typhoon pero no coverage. How sad because so many of my friends are affected.”

Kaugnay ito sa kamakailan lamang na pagdaan ng bagyong Odette. Nasalanta ng nasabing bagyo ang maraming lalawigan sa ating bansa kabilang na ang Siargao, Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Palawan.

Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng mga lugar na nakaranas ng hagupit ng bagyo. Maraming nawalan ng kabuhayan at sa kasawiang palad ay marami rin ang nawalan ng buhay at mga minamahal.

Maraming TV network (regional and national) at local radio stations ang nagbalita ng nasabing pagragasa ng bagyo kabilang na ang GMA Network, PTV, at News5.

Magpasahanggang ngayon ay aktibo pa rin sila sa kaliwa’t kanang paghahatid ng mga updates maging sa iba’t ibang social media platforms ng iba pang mga lehitimong news portal gaya ng Manila Bulletin at Inquirer.

Ito rin ang dahilan kung bakit umani ng batikos mula sa netizens ang pahayag ng tatlong Kapamilya personalities.

Ayon sa isang netizen, “Wow the blaming game. imbes na tumulong at maghanap ng solution. information gap? tanong ko lang @dannyarao @iamkarendavila was abs-cbn open when yolanda struck? how many died? what happened then?

Sabi naman ng isa pang netizen, “Even before, may ABSCBN during [Yolanda] but still anong nangyari. PRRD went there and even sent Davao Citys medical personnel, medical equipment and transportation. PLEASE stop the BLAME game it doesnt help a lot, instead it divide us all. Be kind, just be.”

“Drama mo pun**** ka. Isang reporter lang naman ang nakikita pag may sakuna at si Atom Araullo yon na nasa GMA na. Ikaw lagi ka lang naman nasa loob ng ABS-CBN.”

“The BEST THING that happened to CONGRESS when those CONGRESSMEN voted NO to ABS-CBN to operate. It was JUSTICE to the MAJORITY of the FILIPINOS!”

Meron din namang sumang-ayon at nagpahayag ng kanilang kalungkutan dahil wala ang ABS-CBN para maghatid ng balita kagaya ng nakasanayan. Hindi rin nawala ang mga galit sa pulitiko, lalo na kay deputy speaker ng House of Representatives na si Rodante Marcoleta.

Maaalalang isa si Marcoleta sa 70 representatives na bumoto against ABS-CBN’s franchise renewal noong July 10, 2020.

Sabi ng isang netizen, “Agree Ms. Agot! Ng dahil sa personal na dahilan ang nagsacrifice mga tao. Dinahilan ang mga kasinungalingan na walang basehan laban sa TV network. #NoToMarcoleta #NoTo70Congressman #NoToUniThieves”

“Yes, ABS is essential especially in time like this, kasi yong iba, hindi tutok,” sabi naman ng isang netizen na tila may parinig pa sa ibang news outlet.

Sarkastiko naman ang tweet ng isa pang netizen na nagsabing “Ang galing ni Marcoleta at Defensor iboto niyo pa Uli! hehehe”

Magkakahalo man ang opinyon at may kanya-kanya man tayong paboritong istasyon, sana ngayong Disyembre, sa huling buwan ng taong 2021, alalahanin natin ang totoong diwa ng pasko – pagmamahal at pagkakaisa.

One thought on “Dahil walang ABS-CBN RNG: Karen Davila at iba pa, naghimutok sa kakulangan umano ng impormasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *