Dahil maraming maka-BBM? Vice Ganda, hindi itutuloy ang concert sa Hawaii

Ang concert ni Vice Ganda na naka schedule sa Honolulu, Hawaii ay hindi natuloy.

Bigla daw ito nawala sa latest poster ng concert tour ni Vice Ganda na dapat kasama sa US Concert Tour ng nasabing komedyante. Sa July 4 dapat ang nasabing concert sa Hawaii na hindi na itutuloy.

Special guest niya si Darren Espanto sa nasabing concert na pinamagatan na Fully Vice-cinated USA Concert Tour kasama sila Mc at Lassy na kapawa niya komedyante.

Majority ng mga Pinoy sa Hawaii ay Marcos loyalist, ito raw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang komedyante sa kanyang concert sa nasabing bansa, ayon sa isang reliable source.

Kung matatandaan sa Hawaii tumira ang dating napatalsik na Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.

Naghinala ang iba na ang rason sa pagkansela sa concert ng nasabing komedyante ay dahil sa pagiging aktibo nito sa pag endorso noong nakaraang eleksyon kay outgoing Vice President Leni Robredo.

Si President-elect Bongbong Marcos Jr. naman ay magsisimula ng manuno sa ating bansa sa darating na July 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *