COVID-19 Specials, mapapanood ngayong Sabado sa GMA

Marami mang regular na TV programs ang hindi muna umeere, pinupunan naman ito ng special episodes na konektado sa kinakaharap nating ngayon na COVID-19 pandemic.

Pagkatapos nga nating mapanood ang personal na pakikibaka ng dokumentaristang si Howie Severino bilang COVID-19 patient noong nakaraang Sabado sa I-Witness, handog muli ng GMA Public Affairs ang dalawang COVID-19 specials ngayong Sabado, April 25.

I-Witness: Ako si Patient 2828

Sa travel and wildlife program na Born to Be Wild, ipapakita ang mga beterinaryong patuloy pa rin sa pag-aalaga sa mga hayop sa “Vets on Call: Enhanced Community Quarantine” episode nito sa ganap na 3:15 PM.

Habang tayo ay nasa bahay, ang Born to Be Wild hosts at veterinarians na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ay walang alinlagang tumugon sa mga emergency call upang sagipin ang buhay ng ilang pets sa gitna ng pinapatupad na enhanced community quarantine sa bansa.

Born to Be Wild - Vets On Call: Enhanced Community Quarantine

Kasunod naman nito ang “COVID-19: The Unseen” special presentation ng Reporter’s Notebook na mapapanood naman sa ganap na 4:05 PM.

Ipasisilip naman nina Maki Pulido at Jun Veneracion ang mga nangyayari sa isang medical facility sa Metro Manila. Tampok din ang kuwento ng mga health worker, na gaya nilang mga mamamahayag, ay kinakailangang isakripisyo ang pag-aalaga sa kanilang mga anak sa ngayon.

COVID-19: The Unseen

Ang mga ganitong palabas ang nagpapakita ng epekto ng COVID-19 sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Kaya naman sana ay gawin natin ang ating parte at manatili sa loob ng bahay kung hindi naman talaga kailangang lumabas.

Tulad ng lagi naming paalala, ugaliin natin na palaging maghugas ng kamay at magsuot ng mask kung kailangan nating lumabas sa ating mga tahanan.

Keep safe and stay healthy, mga Kaburyong!

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *