CONFIRMED! Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, umamin na

Love is in the air para kina former Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at kapwa Kapuso star na si Jeric Gonzales matapos nilang ihayag officially ang kanilang relasyon sa social media kahapon, March 16.

Sa magkahiwalay na post sa Instagram, inamin ni Jeric ang kaniyang pag-ibig sa beauty queen sa caption: “To more memories with you ✨❤️ @rabiyamateo I love you.”

Comment naman ni Rabiya: “Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric. ✨❤️ @jericgonzales07”

Noong December 2021 nang lumutang ang rumor tungkol kina Rabiya at Jeric matapos silang mamataan sa isang amusement park sa Sta. Rosa, Laguna.

Una namang nagkasama sina Rabiya at Jeric sa taping ng isang episode ng Wish Ko Lang noong November.

Bago rito, na-link muna si Jeric sa aktres na si Sheryl Cruz, samantalang kaka-break up lang ni Rabiya sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Salvacion noong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *