Coco Martin to ‘Ang Probinsyano’ viewers: “Yan ang Filipino, marunong tumanaw ng utang na loob!”

Pinaghahandaan na ngayon ng tinaguriang Teleserye King na si Coco Martin at ng buong produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano ang ikaanim na taon ng programa ngayong Setyembre.

Nagpapasalamat ang lead star nito na si Coco sa lahat ng Filipino na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniyang action series.

“‘Yan ang Filipino. Marunong tumanaw ng utang na loob kung ano man ang ibinigay sa’yo at kung anuman ang ginawang maganda sa’yo. At mahirap kalimutan ‘yun,” pahayag ni Coco.

“Habambuhay kong tatanawin na utang na loob. Maraming salamat po,” dagdag pa ng aktor.

Iniimbitahan din ni Coco, na nagsisilbing isa sa mga direktor at creative head ng serye, ang mga manonood na abangan ang bago na namang kuwento at mga bagong karakter, kung saan makakasama niya ang bagong leading lady na si Julia Montes.

“Sisiguraduhin naming mas magiging kaabang-abang, mas maganda, mas maaksyon, mas madrama.

“Sisiguraduhin namin na hindi po namin kayo bibiguin. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng inyong suporta at pagmamahal na ibinibigay sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,” sabi ni Coco.

Huwag palampasin ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi na maaaring mapanood sa A2Z, TV5, Jeepney TV, Cinemo o Kapamilya Channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *