Christopher De Leon to Lotlot De Leon: “Daddy is just a phone call away”

Naglabas ng saloobin ang aktres na si Lotlot De Leon kamakailan lamang sa kanyang instagram account. Hindi detalyadong ipinaliwang ng aktres kung patungkol saan ang nasabing post, pero sa mga nakakaalam at pamilyar sa family tree ng aktress, ay madali lamang itong maintindihan.

Nakasulat sa larawang ibinahagi ng aktres, “Adoptee Rights are Human Rights BECAUSE… though they may have been bought, sold, given away, taken, stolen, imported, exported, brokered, and treated like commodities… Adopted Persons are HUMAN BEINGS!”

Caption naman niya sa naturang larawan, “So let’s just put this out here already!

“Yes I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity, I am my own person who have feelings too.

“I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today!

“I accept what was and what is!

“I will keep moving forward owning this life was given to me.

“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!

“Continue to live your life because this is 100 percent yours!

“Love those who truly love you!

“Oh and please to those who keep on discriminating ADOPTED kids, let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed “human being”! #hindiakorobot”

Kamakailan lamang ay mainit din ang naging pagsagot ni Lotlot sa isang Noranian fan na nagsabing kung hindi raw inampon si Lotlot ng beteranang aktres na si Nora Aunor, ay baka wala ito sa kanyang kinalalagyan ngayon. Marami din ang pumuna at nagparatang sa aktres na wala itong “utang na loob.”

Nagsimula ang isyu na ito nang mapansin ng mga tagahanga ng Superstar, na tanging si Lotlot lamang ang natatanging wala at di nakasama sa pagbisita ng magkakapatid sa kanilang ina na si Nora. Kung babalikan ang mga nakalipas na kontrobersiya sa pamilya, ay matatandaang matagal nang may tampuhan ang mag-ina.

Ani Ian, “Let me also add to your beautiful message te.. a different perception on how we all take peoples’ criticisms about us is seeing what contents reside in their hearts and minds.

“Always remember, what they say or do is a reflection of their own personalities, and that shouldn’t dictate what our state of being should be like.

“Let us not allow external influences take control or change what and who we all are, because no one knows us and our stories but ourselves.. It is only us that have control and power to what we truly should be.

“I love you so much te! I will stand by you in everything.”

Naglabas din ng makabuluhang mensahe at pagsuporta ang asawa ni Christopher de Leon na si Sandy Andolong sa post ng aktres.

Nagbigay si Sandy ng mensahe para sa patuloy na tumutuligsa at nagbibitiw ng masasakit na salita sa anak ng kaniyang asawa.

“Tigilan na nila si Lotlot sana,” ani Sandy. “Wala naman silang alam talaga sa mga pangyayari, e. They do not know the whole story. Tinga-tinga lang ang alam nila, madalas mali pa.”

Dagdag pa ni Sandy, “Nananahimik na nga lang ‘yung tao. But her love and respect for her mother did not, nor will ever, change — that’s a fact.

“We love inspite of, not because.”

Ngunit kung may babasag sa isyu ng pagiging ampon ni Lotlot, ‘yun ay walang iba kundi ang kaniyang ama na si Christopher de Leon, na nagpahayag ng pagmamahal sa kaniyang anak.

“(Heart and rose emoji) Daddy is just a phone call away (heart emoji),” maikli ngunit tagos sa pusong mensahe ng aktor na sinagot naman ni Lotlot.

“@sgt.pepper8 I know dad and I love you always (heart emoji).”

Si Lotlot ay adopted daughter ni Christopher at ng dati niyang asawa na si Nora. Biological son naman ng dalawa si Ian.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang batikang aktres na si Nora Aunor patungkol sa adopted daughter na si Lotlot. Ayon pa sa sa publicist ni Nora ay mas gusto nitong manahimik na lamang pagdating kay Lotlot. Wala nang iba pang detalye patungkol dito.

Walang pamilyang perpekto, hangad namin sa Bored Productive ang kanilang kasiyahan. Sana ay malampasan nila kung ano man ang kanilang pinagdadaanan at manatiling matatag sa hamon ng buhay, bilang isang matibay na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *