Cherie Gil, nagpaliwanag sa paglayas sa ‘Legal Wives’ ng GMA

Nagpakalbo at na-feature sa isang sikat na magazine ang sikat na aktres na si Cherie Gil.

Ayon sa interview sa kaniya sa anniversary issue ng lifestyle magazine na Mega, sa abroad na titira ang batikang aktres.

Maaalalang bigla siyang nawala sa cast ng Legal Wives ng GMA-7 at ngayon nga ay nagpaliwanag siya tungkol sa kaniyang pag-alis sa top-rating Kapuso primetime series.

Aniya, “People thought there was something going on between both camps but hindi.

“Artistic differences lang naman ang nangyari. Pamilya ko na rin sila.”

Pagsasalaysay pa ng aktres, hindi ito ang unang beses na nag-walkout siya sa set.

“This is not the first time I’ve done something like that. I’ve done it in the past—I’ve walked out of sets,” dagdag niya.

“So I would like to think that they know and understand me enough by now. I feel grateful that they have been there for years, hiring me, and supporting with whatever it was I was wanting to do.”

Itinuturing din niyang ‘rebirth of sorts’ ang kaniyang bagong pagsisimula sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *