Chanda Romero, mawawala na ba sa ‘Prima Donnas’?

Palaisipan ngayon kung mamamatay ang karakter ng beteranong aktres na si Chanda Romero sa hit afternoon series ng GMA-7 na Prima Donnas.

Ginagampanan ni Chanda ang karakter na Lady Primarosa Claveria, ang lola nina Ella (portrayed by Althea Ablan) at Lenlen (portrayed by Sofia Pablo).

Sa isang Instagram post ng batikang aktres, ibinahagi niya ang isang litrato kung saan kinukunan siya habang nasa loob ng isang kabaong.

Maraming netizen ang nagtanong sa comment section kung ang karakter ni Chanda sa Prima Donnas na si Lady Prima ang mamamatay.

Komento ng isa pang netizen, “Sa Prima Donnas ba ‘to? ‘Di pwede. Mabubuo na ang tatlo, ikaw naman po mawawala.”

Ano nga ba ang mangyayari kay Lady Prima sa Prima Donnas?

Patuloy na panoorin ang mas lalong tumitinding mga eksena ng Prima Donnas mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *